HALOS madapa-dapa na ako sa laki ng kan’yang mga hakbang at pilit ko s’yang hinahabol para hindi ‘yon mangyari. “BITAWAN MO NA AKO! UUWI NA AKO KAGAYA NG GUSTO MO!” singhal ko sa kan’ya habang pumupumiglas para matanggal lang ang pagkakahawak n’ya sa kawawa kong kanang pulsuhan pero hindi sapat ang puwersa ko para mapigilan s’ya. Napagtanto kong napunta kami sa living room at kaagad n’yang binuksan ang pinto sabay marahas pa akong pinapasok sa loob. Napa-igtad ako na’ng pabagsak n’yang sinara ang pintuan na nag-likha ng dumagungdong na tunog at ang sakit sa tainga! Hinarap n’ya ako sabay binalingan ng masakit na titig sa mga mata na’ng nag-tama ang aming paningin. “Could you say it again? Have you found another baby maker huh?” Hindi ko s’ya sinagot dahil nakita kong dumako ang kan’yan