DOON na nag-salpukan ang mga kilay ko sa sunod n’yang binanggit. “L-Luh, pamatay na nga ang binigay na schedule tapos may parusa pa ako kapag hindi pa naka-pasa ang book cover na ginawa ko? Anong klaseng punishment ‘yon? Kakabahan na ba ako?” sunod-sunod kong tanong na halata yata sa boses na balisa ako. Sino ba naman kasi ang hindi?! Para nila akong ginawang robot sa work load na hindi ko alam kung kakayanin ko ba ‘yon dahil napaka-ikli ng 3 days! “Asahan mo na lang na hindi mo magugustuhan iyon. Malalaman mo kapag hindi mo nagawa ng maayos ang iyong trabaho,” seryosong sagot n’ya sa ‘kin at sumandal sa sandalan ng swivel chair n’ya. Napansin kong may namumuo na palang pawis sa noo ko. Pasimple kong inalis ‘yon gamit ang likod ng kaliwang palad ko. “You were a chosen one for this proje