PARANG bigla akong nahilo sa sinabi n’ya at bumagal ang aking pag-hinga. Kinuyom ko pa ang kaliwa’t kanan kong mga kamao para ikalma saglit ‘tong sarili ko. “Panibagong tatlong araw na naman? Ano po bang mali sa gawa ko at hindi n’yo agad gusto? I know, I made a good art. It’s not that bad—“ “Are you questioning me the way I criticize? It does not meet my standards, that’s it. Don’t waste your time arguing with me, Yucefina. Get out in my office now,” seryosong utos n’ya sa ‘kin na nagsisimula na naman ang pagiging magaspang ng boses n’ya. Napa-tingala ako saglit sabay pumakawala ng malalim na buntong hininga sa bunganga. Mas lalo lang yata bumigat ‘tong katawan ko lalo na ‘tong mga mata kong ilang kilo na ang eye bags. Ilang araw kong pinagpaguran ang mga book covers na ‘yon pero par