INIKOT ko ang swivel chair para maharap s’ya at inangat ng tingin dahil ang tangkad ng lalakeng ‘to. “Why are you still here?” malamig n’yang tanong na sinalpukan ko s’ya ng magkabilang kilay. “And could you turn off that irritating music,” utos n’ya pa sa ‘kin. Ngayon ko lang din napagtanto kung ano ‘yong nag-p-play na music. Kinagat ko agad ang lower lip ko para hindi matawa. “Ang ganda ng music ko sir, ang manok ni san pedro. Nakakawala ng antok,” sagot ko sa kan’ya pero hiningahan n’ya ako ng marahas at dahil do’n, dali-dali kong in-off ang music at hinarap s’yang muli. “Ikaw sir, bakit andito ka pa? At bakit n’yo ako tinatanong kung bakit nandito pa ako? Hindi obvious na tinatrabaho ko ‘yong binasura n’yong project ko?” sunod-sunod kong tanong habang naka-tingala ako sa kan’ya. Fe