NAHIHINGAL akong naglalakad pabalik ng bahay dahil hindi ko kinaya ang tulin ng pagtakbo ni Logan. Hindi ko s’ya naabutan dahil sumakay s’ya sa itim na kotcheng huminto sa gilid ng sidewalk. Alam kong si Mister Raven ‘yon. Bago kasi mangyari ‘yon, napapansin kong may tinatawagan s’ya habang naghahabulan kami. Nagpupunas ako ng pawis gamit ang ilalim ng aking suot na t-shirt na’ng maka-pasok na ulit ako sa loob ng bahay. Binalik ko ‘yong taga sa drawer kanina at baka mapansin ni Tatay na kinuha ko ‘yon. Hindi naman totoong tatagain ko ang lalakeng ‘yon. Ihahambalos ko lang sa kan’ya ang taga! Biruin mo, hindi pala totoong isang milyon ang presyo ng punyetang vase na ‘yon?! Naku talaga pagbabayaran n’ya ang pagpapakaba sa ‘kin! Grabe ‘yong nerbyos ko nu’ng nabasag ang vase tapos ‘yon a