CHAPTER 32

2777 Words

SUMAMA agad ura-urada ang tingin n’ya sa ‘kin. “Do you want me to do it first?” matigas n’yang usal. Aba ready n'ya talaga ako patulan kahit anong mangyayari. Hindi yata ‘to marunong mag-pakumbaba. Ang lakas ng loob n’yang utusan ako para subuan s’ya. Binigyan pa ako ng trabaho. “Disable ka ba at hindi mo kayang buhatin ang kutsara?” sarkastikong tanong ko pero nagulat ako na’ng bigla n’ya akong pinitik sa noo. “Aray ko naman Logan!” singhal ko sabay napa-himas doon. Ginawa pang niyog ‘tong ulo ko oh! “Could you please behave for a while and let’s just f-ucking eat?” mariing saway n’ya sa ‘kin. ‘Yong tipong ginawa n’ya akong bata. “’A ‘yan naman pala ‘e. Kumain na tayo at akin na lang ‘yong tinidor,” mando ko naman sa kan’ya pero ako na mismo ang kumuha ng tinidor sa kan’yang kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD