PARANG binuhusan ako ng malamig na tubig na’ng marinig ang mga linyahang ‘yon. Hindi ako agad naka-sagot. Nakita kong tuluyan na n’yang nilapag ang sign pen at sumandal sa sandalan ng kan’yang swivel chair habang hindi inaalis ang pagkakatitig n’ya sa ‘kin. “S-Sir, baka p’wedeng—“ “Huwag mo akong pangunahan. Iyon ang gusto kong kondis’yon para hindi ka na magpapakahirap bayaran ang iyong nabasag. Is it more convenient? Hayaan mo akong angkinin kang muli, Yucefina.” Ume-echo ang malalim na tono ng kan’yang boses sa tainga ko. “And today… I must have your answer. But I know what it is… you don’t have to say it.” Ang tinutukoy n’ya ay ‘yong kasunduan namin pero hindi ko pa rin s’ya sinasagot dahil iniisip ko kung susundin ko ba s’ya o aalis na lang dito. Paano ko naman magagawa ‘yon gayong