CHAPTER 15

1327 Words
LEVI POV ILANG araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead kung nasaan ang Calil na iyon. Tahimik pa rin akong nakaupo sa opisina ko habang nakatanaw sa floor—to—ceiling window. Napahawak ako sa aking buhok dahil ang laki ng problema ko sa kanya. Napatayo ako at lumapit sa floor—to—ceiling window, dito ay kita ko ang mga employee namin na nagta—trabaho sa ibaba, sa business kong Parker Toy Incorporation. Pero ako... Wala akong ibang iniisip kung ʼdi ang babaeng nagligtas sa kambal kong anak. Hindi ko napigilang mapabuntong—hininga. “Damn...” Hindi ko napigilang mapabuga nang malakas. Hindi lang din ako ang namomoblema dahil maging si Dino ay pabalik—balik pa rin sa Pureza Police Station. Hanggang ngayon ay kumukuha pa rin siya ng mga possible CCTV kung saan ay kita ang Calil na iyon. Ang alam ko ay maging ang mga vendor, pati ang mga guard sa paligid ay tinatanong na rin niya. Pero wala pa rin talaga kaming clue kung ano ba talaga ang totoong pangalan ng Calil na iyon. Sa mga unang CCTV footage na nakuha ni Dino ay wala kaming napala, puro nakatalikod ang babaeng iyon, minsan ay kalahati lamang ang kuha niya. Wala talagang matino. Napailing ako. “Nawawalan na rin ako ng pag—asa na makita pa namin ang Calil na iyon,” mahinang sabi ko sa aking sarili. Ang tanging alam lang namin ay nag—aaral siya sa Maravilla University, pero napaka—raming estudyante roon parang naghahanap kami ng karayom sa gitna ng dayami. “F**K!” madiin na mura ko. Mahihirapan kaming mahanap siya. Hindi lamang iyon dahil halos araw—araw na akong kinukulit nina Cameron and Lauren about sa Calil na iyon. “Daddy!” Napahinto ako sa pagtingin sa window nang may marinig akong boses. Napalingon ako at nakita ko sina Cameron and Lauren na tumatakbo palapit sa akin. Nakita ko ang dalawang Nannies nila sa likod, ang mga ito ay mga babaeng police officer kaya nakaramdam na ako ng kaligtasan para sa kanila. “Daddy!” Tinatawag pa rin nila ako hanggang nakalapit na sila sa akin. “Daddyyyy!” Halos mabingi ako sa sigaw ni Lauren. “What it is, my princess and prince?” tanong ko sa kanila at hinaplos ang kanilang buhok. “Nakita mo na ba si Mommy Calil, daddy?” malakas na tanong ni Lauren sa akin. “Daddy, kailan darating si Mommy Calil?” Nabigla ako sa sinabi ni Cameron. “Miss na namin siya,” dagdag na sabi ni Lauren. Salitan akong napatingin sa kanilang dalawa dahil sabay na sabay ang kanilang sinasabi. Naguguluhan ako sa kanilang dalawa. “Daddy, huwag mo kami i—stare lang po,” sabi ni Lauren at hinila niya ang aking suot na damit. “Huh?” Lumayo si Lauren sa akin at nakita ko ang pagsiklop ng kanyang magkabilang kamay sa harap ng kanyang dibdib. “Sabi namin po, daddy... Nakita na po si mommy Calil? Na—see na po ba siya?” tanong muli ni Lauren sa akin. Huminga akong malalim habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa. “W—wala pa ring balita about her, princess.” Pagkasabi kong iyon ay nakita ko ang pagsimangot nina Lauren and Cameron. “Why? Ilang days na na—pass pero hindi pa rin siya ma—see, daddy?” maliit na boses ni Lauren. “Siguro... Kailangan na naming tumulong ni Cameron, right, twin brother?” Napatingin siya sa kakambal niya. Tumango si Cameron sa sinabi ng kanyang kakambal. “Yes, it is, dad! We should go with uncle Dino. We can help!” sabi niya sa akin. Nakita ko ang kanilang mukha na parehong nakatingin sa akin. “Why? Bakit kailangan ninyong sumama kay Dino?” tanong ko sa kanila. Nakita ko ang pagsimangot ni Lauren. “Daddy, did you forget na kami ang nakakita sa face ni mommy Calil. Siya ang nag—help sa amin, so we can assure na siya talaga ang hinahanap natin na si mommy Calil!” paliwanag ni Lauren sa akin. “Lauren is right, daddy. So, pʼwede ba kaming sumama kay uncle Dino to identify her?” dagdag na sabi ni Cameron sa akin. Bakit ang tatalino ng mga bata ngayon? “Gusto ko man kayo maka—help kayong dalawa, Lauren and Cameron. But, hindi pa natin alam kung sino ang gustong kumidnap sa inyo... Kaya nga kumuha muli ako ng nanny ninyong dalawa na pʼwedeng maging bodyguard ninyo rin. Nag—aalala pa rin si daddy sa inyong dalawa,” paliwanag ko sa kanila. “Sa ngayon ay maniwala na lamang muna tayo kay uncle Dino ninyo. Na mahahanap niya rin Calil, ha?” Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Humaba na naman ang labi ni Lauren. “I know naman, daddy. But, if uncle Dino asks our help, we can help and you can go with us para abantayan mo rin kami po,” malumanay na sabi niya sa akin. Dinala ko silang dalawa sa mini living room ko rito. Naupo kami sa sofa at nakita ko ang pagtingin nila sa akin. “Okay, daddy. Basta hanapin mo siya, ha? Gusto talaga namin maging mommy si mommy Calil talaga... Kasi she looks like mom... Hindi kasing face ni mom, ha? But, we can feel na sheʼs nice po kaya we want her!” Tumango—tango naman si Cameron dahil sa sinabi ng kakambal niya. “Opo, daddy. Para siyang ka ugali ni mom... Kahit we donʼt have a clear memory of her po because we are too you when she died po, daddy.” sabi niya sa akin. Huminga akong malalim at ngumiti sa kanilang dalawa. “Donʼt worry... Daddy wonʼt give up to find her, okay?” sabi ko sa kanila. “Okay po, daddy—” Napahinto sa pagsasalita si Lauren nang may marinig kaming kumulo, sobrang lakas. “Oh no. Mukhang may nagugutom, ano, Cameron?” sabi ko sa kanya. Tumango ang anak kong lalaki at sabay kaming tumingin kay Lauren. “Donʼt look at me like that, daddy and Cameron. Nagutom muli ako because konti lang ang nakain ko... Kasi nagmamadali tayo to go her. Duh?” maarteng sabi niya sa akin. “Ang dami mo kayang kinain.” “Hindi, ha?” Nakita ko kung paano tumaas ang kanang kilay niya at lumihis ng tingin sa kanyang kakambal. “Donʼt fight... Oorder na si daddy ng food, okay?” sabi ko sa kanila. “Okay, daddy! Chicken, fries, spaghetti and burger for me!” malakas na sabi ni Lauren. “Daddy, gutom talaga siya!” “Whatever!” Umikot ang mga mata ni Lauren. “Okay, huwag na kayong mag—aaway. Oorder na ako ng food kasama sina Bebeng at Tina.” Habang nakatingin ako sa phone ay napansin ko ang dalawa na nag—uusap hanggang tinignan ako ni Cameron. “Daddy, kailan kami babalik ng school? We want to go to school na. Ayoko na sa online... I want see my friends,” sabi ni Cameron. “By Monday ay babalik na kayong dalawa. Hihintayin lang nating dumating si uncle Sebi ninyo. Brother iyon ni uncle Dino. Siya na ang magda—drive sa inyong dalawa.” “Wow! Okay po, mabait naman si uncle Sebi kahit maloko siya!” Natawa ako sa kanyang sinabi. “Hayaan mo ang uncle Sebi mong iyon. May matatapatan din siya ng babaeng magpapatino sa kanilang dalawa.” Alam kong polygamy ang family nina Dino and Sebi, mayaman ang angkan nila pero mas pinili nilang magtrabaho sa akin, side lines. Putcha! “Sana nga, daddy! But, hurry up! Iʼm hungry!” Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. Paniguradong makahahanap sila ng ka tapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD