CHAPTER 15.2

1410 Words
LEVI POV KINABUKASAN, maaga akong nagising para pumasok muli sa company ko. Hindi pʼwedeng hindi ako mag—trabaho. “Daddy, balik ka na ulit sa work?” tanong ni Cameron sa akin. Nandito kaming tatlo sa dining hall. “Yes, Cameron. I am. Kailangan ko muli. Kailangan ako sa company natin kaya papasok na ulit ako today,” sabi ko sa kanila. “but donʼt worry dahil nandʼyan naman sa tabi ninyo ang nannies ninyo. Hindi kayo pababayaan niyan, ha? May tiwala ako sa kanila na kayo mapapahamak kapag kasama ninyo sila.” Tinapik ko ang kanyang balikat. “I know naman, daddy! Mabait si ate Bebeng po! Tapos galing tumalon!” malakas na sabi ni Lauren. Mukhang nakasundo na niya talaga ang kanyang Nanny. “Opo, daddy. Si ate Tina rin po ay galing din niya po! Kapag dumating si uncle Sebi, papabugbog ko siya kay ate Tina!” Hindi ko napigilang tumawa nang malakas dahil sa sinabi ni Cameron. “A—anak, d—donʼt do that...” sabi ko sa kanya habang natatawa pa rin ako sa kanyang sinabi. “Just joking lang po, daddy. Mabait naman po si ate Tina at bad guys lang po ang need labanan ni ate Tina at ni ate Bebeng!” Tumango ako sa kanilang dalawa. “Daddy, sama po ulit kami sa company?” Napatingin ako kay Lauren, inaasikaso na siya ng kanyang nanny. “Huwag na, Princess. Pupunta ako sa pabrika natin at mainit doon. Kukuha na lang ako ng toys para sa inyo and magpahinga na rin kayo dahil sa Monday ay papasok na muli kayong dalawa,” sabi ko sa kanila. Nakita ko ang kanilang mga labi na bumanat nang husto. “Really, daddy?” masiglang tanong ni Lauren sa akin. Tumango ako sa kanya. “Opo, pangako. Kaya dumito muna kayong dalawa, ha? Magpahinga, maglaro at kumain,” sabi ko muli at hinalikan ang kanilang buhok. “Okay po, daddy! Mag—watch na lang po kami ni Lauren sa theater room natin.” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Good.” Tumayo na ako sa dining table. “I need to go. Papasok na ako at mag—stay kayo. Tawagan ninyo ko kapag you need help.” pagpapatuloy kong sabi. “Okay po, daddy! Ingat sa drive!” “Sana makita na po talaga si Mommy Calil!” Nilingon ko silang dalawa at ngumiti nang malaki. “I will!” nakangiting sabi ko at mabilis na lumakad paalis sa dining hall. Sana lang talaga ay makita na ang Calil na iyon. ~~°°~~ Nasa company na ako ngayon, nakita ko ang tambak na folders sa working table ko. “F**K!” Hindi ko napigilang magmura dahil tambak ako sa gawain. Hindi ko rin nagalaw ito kahapon dahil dumating sina Cameron and Lauren kaya imbis na mag—work ay nakipaglaro ako sa kanilang dalawa. Wala rin tutulong sa aking trabaho dahil wala pa rin si Dino. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari. Wala rin siyang updates na binibigay sa akin ngayon. Ano na bang nangyayari kay Dino? Habang malalim ang aking iniisip ay biglang may kumatok sa pinto ng office ko. “Come in.” baritonong sabi ko sa intercom. Narinig kong bumukas ang pinto at doon ay narinig ko ang boses ni Dino. “Sir Levi!” Napatingin ako sa kanya. “What the! Saan ka galing, Dino? Bakit wala kang update na binibigay sa akin?” mabilis na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang masaya kaya nangunot ang noo. “May nangyari bang maganda, Dino?” Naguguluhan kong tanong sa kanya. “Sir Levi!” Tumaas ang sulok ng kanyang labi ha bang nasa harap ko na siya. May inilapag siyang brown envelope na naman, tinignan ko lamang iyon. Ayokong umasa muna. “What is it, Dino?” Ngumiti siya sa akin. “We found her!” madiin niyang sabi. Natigilan ako sa kanyang sinabi. “What? What do you mean?” tanong ko. “We finally found the girl, Sir Levi!” Doon ay nanlaki ang mga mata ko. “H—how?” “May bagong impormasyon ang isang police officer...” “Ano iyon?” Gusto kong malaman kung paano sila nakakuha ng bagong impormasyon. “Naalala ng police officer na may isang estudyanteng dumadaan that time na tinawag ang babaeng iyon pero hindi siya narinig...” Huminto si Dino sandali. “Narinig ng police officer ang pangalan niya nang malinaw... Her name is Lilac Zamora.” pagpapatuloy niyang sabi. “What? Lilac Zamora ang totoong pangalan niya?” Pag—confirm na tanong ko sa kanya. “Yes, Sir Levi. Mukhang nagkamali ang kambal ng narinig... Akala nila ay Calil ang pangalan ito,” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon lang niya sinabi?” Ilang araw na ang nakalipas, bakit ngayon lang? “Nakalimutan ang tungkol doon at naalala lamang niya kahapon. Kaya nang sabihin niya iyon sa akin ay mabilis akong nagsearch about her thru social media, pero masyadong low key siya, Sir Levi. Wala akong masyadong nakuhang impormasyon...” Huminto muli siya. “Pupunta na sana ako sa Maravilla University pero naisip kong kailangan ninyong sumama para kayo mismo ang makakakita.” “F**k! After how many days ay mayroʼn na rin tayong concrete evidence kung sino talaga siya. And, about sa sinabi mong na—miss heard nina Cameron and Lauren ang name ni Ms. Lilac Zamora... Mukhang malabong mangyari iyon, Dino. Purpose ni Ms. Zamora na hindi talaga sabihin ang name niya... Binaliktad niya ang kanyang name,” sabi ko sa kanya at pinakita ang isinulat ko. “Lilac... Calil...” Napatingin siya sa akin. “Binaliktad nga niya, Sir Levi ibig sabihin ay ayaw niyang magpahanap sa atin? Sayang naman ang reward kung ganoʼn?” balik na tanong niya. “Iyon nga. Ayaw man niya magpahanap... Nahanap na natin siya.” Tinignan ko siya. “Prepare the car, Dino. Aalis tayo!” “Sir Levi?” “Pupunta tayo sa Maravilla University. Gusto kong makita harap—harapan si Ms. Zamora.” Tumango siya sa akin. “Copy, Sir Levi!” mabilis niyang sabi at tumayo na rin ako para sundan siya. Makalipas ang halos thirty minutes na byahe ay nakarating na rin kami sa parking lot ng Maravilla University, mabuti na lamang ay alumna ako rito. Pagbaba pa lamang namin ni Dino sa sasakyan ay maraming estudyante na ang napapatingin sa amin. Hindi ko na iyon pinansin. Kaagaw—agaw rin talaga kami ng pansin dahil sa suot naming business attire. Dumiretso kaming nagtungo sa Registrarʼs Office at lumapit si Dino sa isang staff. “Good day!” bati niya sa staff. Tinignan kami ng staff. “Good day, Sir. May I help you?” balik na bati niya sa amin. “Iʼm looking for one of your students?” Ako na ang nagsalita. Hindi na nagpaligoy—ligoy pa. “Sino ang hinahanap ninyo?” “Lilac Zamora. Anong course niya?” sagot ko sa kanya. Tinignan niya muli kami at maging ang suot namin.“Anong kailangan ninyo sa kanya? Mukhang hindi naman kayo masamang tao,” sabi niya sa amin. “Donʼt get me wrong, Sirs. But, pino—protektahan namin ang aming students here sa Maravilla University. Bago ako mag—proceed kung estudyante ba namin ang tinutukoy ninyong estudyante at kung anong course niya.” “I know na protocol ito ng University, but I need to know kung dito ba siya nag—aaral at kung anong course niya—” “Pamangkin ko si Lilac Zamora, Miss! Matagal akong nasa ibang bansa kaya gusto kong dalawin ang paborito kong pamangkin. So, pʼwede mo bang sabihin na sa amin?” Napatingin ako kay Dino nang sumabat na siya at ngumiti nang malaki sa babaeng staff. “Ah, okay, Sir.” Nagkatinginan kaming dalawa at gumalaw ang kanyang magkabilang kilay. Agad na nag—type ang registrar sa computer na nasa harap niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay ay tumingin muli siya sa amin. “Yes, Sir. Estudyante namin siya.” “What course?” mabilis kong tanong. “Marketing Management—” “Thank you!” sabi ko at mabilis kaming lumakad ni Dino paalis doon. Kaunti na lang ay makikita ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD