CHAPTER 15.3

1414 Words
LEVI POV “SIR Levi, mukhang may gusto pa siyang sabihin ang staff—” Tinignan ko siya. “Babalikan na lang natin siya mamaya, Dino. Kailangan na natin makita si Ms. Zamora!” sagot ko sa kanya. Nakita ko siyang tumango sa akin at lumakad na kaming dalawa. Hindi na kami nag—aksaya ng oras dahil agad kaming nagtungo sa building ng College of Business, pero hindi ko na alam kung nasaan na iyon. Ang laki naʼng pinagbago nitong campus noong nag—aral ako rito. “Sir Levi, alam ninyo po ba kung saan ang building ng Marketing?” tanong ni Dino habang sinasabayan ako sa paglalakad. Napahinto ako at tinignan siya. “Actually, I donʼt know. Malaki na ang pinagbago ng campus na ito,” pag—amin ko sa kanya. “We need to ask sa ibang estudyante, Sir Levi.” Huminto siya at lumakad sa isang kumpal na kababaihan. Hindi na ako sumunod sa kanya at tinignan lamang si Dino na kumausap sa mga iyon hanggang muli siyang bumalik na may malaking ngiti sa labi niya. “What is it? Nasaan daw ang College of Business building?” tanong ko sa kanya. “To right wing, Sir Levi.” Tumango ako sa kanya at mabilis na lumakad papunta roon. Nang makita ang building ay huminto kami bago pumasok sa loob. “Anong year ni Ms. Zamora?” tanong ko sa kanya. “Sir Levi, hindi ko rin alam... Hindi natin naitanong.” Tinignan niya ako. “How about... Pumunta na lang tayo sa Deanʼs Office? Or sa Office room ng mga Professor? Si Hanzel ay rito nagtuturo, right?” tanong niya sa akin. “Hanzel is not here right now, Dino. Day—off niya ngayon,” sabi ko sa kanya. “Ah, paniguradong nasa Flavor of the Month ang isang iyon.” Tumango ako sa kanya. Magkakaibigan kaming apat. “So, we need to ask our self, Sir Levi. Come on at makita na natin si Ms. Zamora,” sabi niya. Nauna na siyang naglakad kaysa sa akin. Habang naglalakad na kami sa hallway papunta sa Deanʼs Office, napansin ko ang ibang estudyante na napapatingin sa amin ni Dino. May mga nagbubulungan pa. “Si Mr. Levi Parker iyon, ʼdi ba?” “Bakit nandito siya?” “Ang gwapo pala niya sa personal!” “Teka, baka tungkol sa reward. Iyong bali—balita ngayon? Na estudyante sa campus ang nakakita sa kambal niyang anak!” “Hala! Swerte naman pala siya!” Hindi ko sila pinansin dahil ang focus ko ay si Ms. Lilac Zamora. Siya ang hinahanap ko ngayon. Bago kami makarating sa Deanʼs Office ay may nakita kaming isang Professor, lumapit si Dino roon. Sinundan ko na lamang siya. “Excuse me, Professor?” Napahinto akg pinagtanungan niya. “Yes, may I help you?” “May student po ba rito na ang pangalan ay Lilac Zamora?” tanong ni Dino sa babaeng Professor. Napatingin siya sa aming dalawa. “Huwag kayong mag—alala... Pamangkin ko siya. So, mayroʼn ba?” Pinanindigan na niyang pamangkin niya si Ms. Zamora. “Ah, ganoʼn ba? Hindi ko inaasahan na may gwapong tito pala si Lilac...” Ngumiti siya kay Dino. “Sa totoo lang ay late ka na. Katatapos lang ng klase nila ngayon. Umalis na siya mga fifteen minutes ago, kasama sina Umara and Zephanie. Hindi naman na kasi sila buys lalo naʼt katatapos lang ang kanilang midterm then finals naman ang next nila before matapos ang first semester.” mahabang sabi niya sa amin. Napahawak ako sa aking noo. “We missed her...” mahinang sabi ko. Napabuntong—hininga na rin si Dino at tinignan niya ako. “Sir Levi, looks like weʼre too late,” bulong niya sa akin. Tahimik akong tumango ako sa kanya. Hindi ko inaakalang ilang minuto lang ang pagitan namin nang umalis siya. “Thanks, Professor!” Naglakad na rin kami pabalik sa Registrarʼs Office. “Anong gagawin natin, Sir Levi?” tanong ni sino sa akin. “Babalik ba tayo bukas para makita at makausap na siya?” Tinignan ko siya habang naglalakad kami nang mabilis. “No! Babalik tayo sa Registrarʼs Office, Dino. Kukunin natin ang address ni Miss Lilac Zamora!” sagot ko sa kanya. “Okay, Sir Levi.” Nang makabalik kami sa Registrarʼs Office ay ako na ang lumapit sa staff na nakausap namin kanina. “Excuse me?” Napatingin sa akin ang staff. “Yes, Sir?” “I need to speak with Miss Lilac Zamora as soon as possible.” Hindi na ako nagpaligoy—ligoy pa. “May I have her address?” dagdag na sabi ko pa. “Sir... Normally, hindi po kami nagbibigay ng personal information ng students namin,” sabi niya sa akin. “I know about that policy... Nag—aral din ako rito.” Inabot ko ang business card ko. “Iʼm Levi Parker. The father of the Twins she saved. Gusto ko lang siyang mapasalamatan nang personal.” dagdag na sabi ko. Kinuha niya ang business card ko at tinignan niya iyon. Hindi rin nagtagal ay tumango na rin siya. “I understand, Sir.” sagot niya sa akin. Matapos ang ilang verification ay nagsulat siya sa isang maliit na papel, then inabot niya iyon sa akin. “This is the address we have in file, Sir Parker.” Tinanggap ko ang papel at nabasa ko mula roon ay sinulat niya. Lilac Zamora from Sta. Mesa, Manila. Mahigpit kong hinawakan ang papel sa aking kamay. “Sa wakas, makikita na rin kita, Ms. Zamora.” sabi ko sa aking sarili. “Maraming salamat, Miss. Dahil sa iyo ay makikita at makakausap ko na si Ms. Zamora.” sabi ko sa kanya. Tinago ko iyon sa bulsa ng black pants ko. Tinignan ko si Dino at sinenyasan siyang umalis na kaming dalawa. Nang makauwi kami ni Dino sa bahay, pareho kaming napaupo sa sofa pagkatapos naming manggaling sa Maravilla University. Hindi namin siya naabutan but... Alam na namin ang address niya. “Kailan natin pupuntahan ang address ni Ms. Zamora, Sir Levi?” Tinignan ko si Dino at tumàngo. “We should. Early in the morning by tomorrow ay kailangan na natin siyang puntahan—” Hindi ko na ituloy ang aking sasabihin nang marinig akong mga yapak. “Daddy! Daddy, sino ang pupuntahan ninyo early in the tomorrow po?” Napatingin kami ni Dino sa may staircase at doon ay nakita namin sina Cameron and Lauren na pababa. “Uncle Dino, nakita mo na po mommy Calil namin? And, where is uncle Sebi? Tagal naman niya dating? We have school na this Monday po!” madaldal na sabi ni Lauren. Naupo si Lauren sa pagitan naming dalawa. “Uncle Sebi? Papunta na iyon dito. May inaayos lamang siya. Kaya hindi na kayo makukuha ng bad guys, Lauren and Cameron!” sabi ni Dino sa dalawa. “I know po, Uncle Dino! Bugbog sila ni uncle Sebi!” malakas na sabi ni Cameron. “But, daddy, sino pupuntahan ninyo tomorrow?” Naibalik ang tanong sa akin. Tinignan ko silang dalawa. “Nahanap na namin si Miss Lilac Zamora,” sabi ko sa kanila. Nangunot ang kanilang noo. “Whoʼs Lilac Zamora, daddy?” takang tanong ni Lauren. “Iyong babaeng nag—save sa inyo. Ang totoong pangalan niya ay Lilac Zamora, not Calil. Baka nagkamali lang kayo ng dinig, Cameron and Lauren.” “Wow! Lilac! Her name is starts on L, daddy... Like you and me! Kaya pala I like her!” malakas na sabi ni Lauren. “Lilac... Her name is flower, daddy. Can we go with you tomorrow—” “Not yet, Cameron and Lauren. Kami na lang muna ang pupunta sa kanila at kakausap, okay? Then, next time ay isasama na namin kayo,” paliwanag ko sa kanila. “Ah, but okay po, daddy.” Nakita kong sumimangot ang dalawa. “But, donʼt forget na alukin siyang kasal, ha? Daddy! Gusto namin siyang maging mommy, ha? Marry her!” madiin na sabi ni Lauren sa akin. Napatingin ako kay Dino pero umiwas ang tingin ng isang ito. Ngumiti na lamang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko lalo naʼt hindi ko pa siya nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD