CHAPTER 2

1404 Words
LILAC POV “LILAC! Gigising ka ba o papasok ako sa kʼwarto mo?” Napapikit ano nang marinig ang malakas na boses ni Mama mula sa labas ng aking kʼwarto. “F—five minutes pa, Ma...” paos kong sagot habang nakatalukbong pa rin ng kumot. “Five minutes? Alas—sais na! May klase ka pa!” Napamulat na ako at agad na napatingin sa alarm clock na nasa bedside table. Naririnig ko ang sunod—sunod na katok ni Mama sa pinto ko, isama pa ang malakas niyang boses. “Ha?! Alas—sais na?” bulalas kong sabi habang nakatingin pa rin doon. Mabilis akong napabangon mula sa kama ko ngunit agad ding napahawak sa aking ulo. “Aray... Ang sakit ng ulo ko.” Puyat pa more. Paano naman kasi ay nagbasa ako ng web comic. Hindi ko sana malalaman ang tungkol dito kung hindi ko nakita sa isang ads. Kakaloka. Napa—download tuloy ako at ang isang chapter ay maging ending chapter na. Kaya hanggang alas—dose ng madaling araw ako nagbasa ng web comic na nakita ko sa App na iyon. Maya—mayaʼy bumukas ang pinto ng kʼwarto ko. “Naku, Lilac!” Nakita kong napailing si Mama habang nakatingin sa akin ngayon. “Ilang beses ko bang sinabi sa iyo? Huwag kang magpupuyat! Ano na naman ba ang ginawa mo?” bulalas na tanong ni Mama sa akin. Napakamot ako sa aking batok kahit hindi makati. “Ah—eh, nagbasa ako ng comic, Mama. Hindi ko naman inaasahan na maganda iyong nakuha kong babasahin,” sabi ko sa kanya. “Hehe... Exciting kasi ang latest chapter po, Ma.” “Comic? Exciting? Eh tingnan mo ngayon ang mukha mo, Lilac! Mukha kang panda!” Napapikit at napanguso ako nang marinig ang malakas niyang boses. “Sorry na po.” “Kapag bumagsak ang grades mo, Lilac... Lalo naʼt nasa huling taon ka na, next semester ay OJT ka na, ʼdi ba? Hindi talaga kita bibigyan ng extra allowance!” Napapikit ako sa kanyang sinabi. “Huwag naman po, Mama.” Agad akong umiling sa kanya. “Hindi po mangyayari iyon!” dagdag na sabi ko sa kanya. Napailing na lamang si Mama sa akin bago lumabas ng kʼwarto. “Magmadali ka na. Malamig na ang almusal!” Tumango—tango ako sa kanya. “Yes, Ma! Babangon na po ako!” malakas kong sabi sa kanya. Bumangon na ako sa kama at baka bungangaan na naman ako ni Mama. Napahikab akong kumuha ng aking underwear and towel. Kung napapansin ninyong hands—on si Mama sa akin, hindi ako only child. May kapatid naman akong panganay, si ate Bernadette pero may asawa at isang anak na siya. Pero hindi sila sa amin nakatira, sa kabilang street. Kaya nakaka—lonely rito sa bahay namin. Kaya ganoʼn si Mama sa akin, hands—on talaga. Napahikab muli ako nang pumasok ako sa loob ng banyo namin. Sinukbit ko iyon at naghubad na para makaligo na ako. Naging mabilis ang pagligo ko at lumakad na pabalik sa kʼwarto ko para maisuot na muli ang uniform. Kailangan ko pala gamitin ang eyeglass ko lalo naʼt may examination kami ngayon. Medyo malabo na ang mata ko, medyo lang naman. Nakatingin ako sa aking salamin nang makita ang mukha ko sa reflection. Nilagyan ko rin ng face powder ang aking mukha at lip tint. Ang kilay ko naman ay makapal na talaga since birth, isa ito sa mga assets. Isang oras ay natapos na rin akong mag—ayos kaya lumabas na rin ako sa loob ng kʼwarto ko. Bumaba ako ng diretso sa dining table kung saan naghihintay sina Mama at Papa sa akin. “Good morning po,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Magandang umaga, anak kong maganda!” Napapikit ako nang marinig ang boses ni Papa. Sobrang taas agad ng kanyang energy. “Kumain ka na, Lilac.” sabi naman ni Mama at tinuro ang plato sa may right side. Tahimik akong naupo roon at nagsandok ng pagkain, fried rice, itlog, at hotdog habang si Mama naman ay umiinom ng kape sa harap ni Papa. “Napuyat ka raw sabi ng Mama mo, Lilac? Ano ba niyang binabasa mo? Maganda ba iyon?” tanong ni Papa sa akin at nilagyan ng ketchup ang aking plato. “Web comic po iyon, Papa. Nakita ko po iyon sa ads then nag—try lang po ako pero magaganda po iyong nabasa ko.” Hinawakan ni Papa ang buhok ko. “Okay lang magbasa, anak. Huwag lang magpupuyat at baka magkasakit ka pa. Mag—focus ka sa pag—aaral mo na lamang. Ako na bahala sa inyo ng ate Bernadette mo at sa apo ko sa kanya. Kaya ang gagawin mo lang ay mag—aral.” Napatingin ako kay Papa na malaki ang ngiti. “Gagawin ko rin po ang lahat para grumaduate ako, Pa and Ma. Then, magta—trabaho po ako at ipapa—renovate ko itong bahay natin.” Nakangiting sabi ko sa kanila. “Huwag kang ma—pressure, Lilac. Hindi naman namin kayo minamadali ng ate mo na tulungan kami ng Papa mo. May maliit tayong grocery kaya na kami buhayin ng Papa mo roon. Kayo ngang dalawa ni Bernadette ay roon namin kayo pinalaki at maging sa pagiging delivery rider ng Papa mo.” Sobrang bait talaga ng mga magulang ko. “Oo nga naman, maganda kong anak! Bakit wala ka pang boyfriend—Aray!” Napaiwas ako ng tingin nang batukan ni Mama si Papa. Napatingin ako sa television na naka—on ngayon sa may sala namin na katapat lamang ng dining area namin. Biglang nagsimula ang morning news. “Breaking News!” Nakatitig pa rin ako sa TV namin. Lumabas sa screen ang larawan ng dalawang batang halos na nasa anim na taong gulang ako. Magkamukhang—magkamukha ang dalawa, isang lalaki at isang babae. “Nawawala...” mahinang bulong ko. Biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Umara kahapon. “May dalawang batang nawawala raw. Ilang araw na silang hindi makita.” Tahimik akong nakinig sa balita. “Patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad ang kambal na sina Cameron Parker at Lauren Parker na ilang araw nang nawawala matapos ang hinihinalang kidnapping incident.” Lumabas naman sa screen ang larawan ng isang gwapong lalaki na nakasuot ng mamahaling business suit. “Ang ama ng kambal na si Mr. Levi Parker, CEO ng Parker Toys Incorporation, ay nangakong magbibigay ng malaking reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makakatulong upang mahanap ang kanyang mga anak.” Napalunok si Lilac habang pinapanood ang seryosong mukha ng businessman Kitang—kita sa mga mata nito ang pag—alala sa mga anak niya. Kahit naman sinong ama na nawala ang dalawang anak niya ay magiging ganyan talaga. Narinig ko ang pagbuntong—hininga ni Mama na nakatingin din sa TV. “Nakakaawa naman ang dalawang batang iyan.” Napatahimik ako sa sinabi niya at muling kumain. “Sa panahon ngayon...” muling sabi ni Mama habang nakatingin pa rin doon. “Ang dami nang masasamang tao. Sana buhay pa ang mga bata.” Sana nga. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano katakot ang maaaring mangyari sa dalawang inosenteng bata. “Paano kaya sila ngayon...” mahinang sabi ko habang kumakain pa rin. Muling ipinakita sa television ang close—up na larawan ng dalawang batang nawawala, Cameron and Lauren. Iyon ang pangalan na nakalagay roon sa ibaba. Hindi ko alam pero inilabas ko ang aking phone mula sa bulsa ng aking uniform at pinicture—an ang mukha ng dalawang bata. “Bakit mo pinicture—an, anak?” Napatingin ako kay Papa nang magtanong siya sa akin. Napakurap ako sa kanya. “H—hindi ko rin po alam, Papa. Pero baka makita ko siya,” sabi ko sa kanya. Ngumiti nang bahagya si Papa sa akin. “Baka sakaling makatulong ka kung makita mo silang dalawa.” Napatingin muli ako sa picture na nasa phone ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay mahalagang ma—save ang larawan ng dalawang batang ito. Sana mahanap na silang dalawa at sana walang nangyaring masama sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD