LILAC POV
“MAMA, alis na po kami!”
Malakas na sabi ko at kumaway sa kanya.
“Mag—iingat ka sa pagda—drive, Belson! Iyong anak mo ay nasa likod! Hindi ka kamote driver. Naririnig mo ba ako?”
Napapikit ako nang marinig ang malakas na boses ni Mama.
“Alam ko, asawa. Huwag kang mag—alala. Hindi ako kamote driver!”
Nakita ko ang pagtaas—baba ng kilay ni Papa. Napangiwi ako dahil doon.
“Lilac, ikaw rin! Iyong phone sa bulsa baka mahulog niyan! Hindi tayo nagtatae ng pera!”
Napunta naman sa akin ang init ng ulo ni Mama.
“Opo,” sabi ko sa kanya.
Lumabas na kami ni Papa sa gate namin at binigay ni Papa ang helmet sa akin. Ang backpack ko naman ay inaayos ko, sinukbit ko sa aking balikat. Tinali ko naman ang mahabang buhok ko at sinuot na ang helmet sa aking ulo.
Nakita ko si Papa na nakaupo na sa kanyang motorsiklo at hinihintay na ako.
“Ready na ba, anak?” Nakangiting sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Opo, Pa!” malakas kong sabi sa kanya at nilagay ko na ang helmet sa akin.
Nakita kong sumunod sa amin palabas si Mama. “Mag—iingat kayong dalawa, ha?” bilin pa niya sa akin.
“Opo, Ma!” sagot sa kanya at sumampa na ako sa motorsiklo namin.
“Huwag kang magpapalipas ng gutom, Lilac!”
Tumango ako sa kanya. “Opo!”
Nakita ko ang malaking ngiti ni Mama at kumaway sa amin.
“Ang Mama mo talaga ay sobrang kabado. Akala naman niya ay kamote driver ako,” sabi ni Papa habang nagda—drive na siya.
“Nag—aalala lang talaga siya, Papa. Lalo naʼt maraming na—a—aksidente araw—araw,” sagot ko sa kanya.
Hindi na lang sumagot si Papa sa sinabi ko at nag—focus na siya sa pagda—drive.
Habang nasa biyahe na kami ni Papa ay tahimik lang ako sa likod. Iniisip ko pa rin ang balitang napanood ko kaninang umaga tungkol sa nawawalang dalawang bata.
“Sana talaga ligtas sila...” bulong ko sa aking isip.
Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong biglang bumagal ang takbo ng mga sasakyan. Naging sunod—sunod na ang busina ng mga kotse kaya huminto na rin ang motor namin.
“Traffic...”
Buntong—hiningang ni Papa.
Napatingin ako sa relong suot ko. “Ha?” Lumaki ang mga mata ko. “Pa! 8:15AM na!” bulalas na sabi ko habang nanlalaki pa rin talaga ang mga mata ko.
Napakamot sa ulo si Papa at nilingon ako. “Mukhang may aksidente yata sa unahan, Anak. O, baka traffic lang talaga lalo naʼt sobrang aga pa rin... Pasukan talaga,” sagot ni Papa sa akin.
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang may maalala ako. “Naku... May major subject pa naman kami today. May examination pa naman kami ngayon,” dagdag na sabi ko habang nakatingin sa harapan, sobrang traffic talaga.
Napatingin ako sa paligid, malapit naman na ako dahil dalawang kanto na lamang ay Maravilla University na.
“Pa...” Kinalabit ko siya kaya napalingon muli siya sa akin.
“Bakit, ʼnak?”
“Maglalakad na lang po ako. Malapit na rin naman ang University namin dito,” sabi ko sa kanya.
“Sigurado ka, anak?”
Bumaba na ako sa motorsiklo ni Papa. “Opo, Papa. May examination pa po ako sa isang subject namin. Kaya tatakbuhin ko na po ito. Malapit na lang naman po talaga,” sagot ko at binigay ang helmet sa kanya.
Ilalagay na lang niya iyon sa ilalim ng upuan ng kanyang motor.
“Sige, anak! Mag—ingat ka, ha?”
Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. “Bye, Pa!” malakas kong sabi at kumaway sa kanya.
Mabilis akong naglakad sa may gilid ng kalsada. Doon ay napansin kong marami na ring naglalakad na ka—campus ko.
Mukhang bumaba sila mula sa jeeps.
“Diyos ko... Sana hindi pa nagsisimula ang exam namin.” piping—panalangin ko habang halos patakbo na akong naglalakad habang mahigpit na hawak ang aking bag.
Patawid na ako sa may isang kanto nang may kung anong nakakuha ng aking atensyon, kaya napahinto ako kahit late na ako for examination namin.
Lumakad ko sa may gilid ng kalsada at doon ay may napansin akong food pushcart na tila sarado pa. At sa maliit na espasyong nasa ilalim nito ay may dalawang batang nakasiksik.
Isang batang lalaki at isang batang babae.
Nakita kong magkahawak ang kanilang mga kamay habang nanginginig ang kanilang katawan.
Takot ba sila?
Nangunot ang noo ko kahit late na ako sa first subject ko.
“Bakit may mga batang nandʼyan? Sobrang sikip dʼyan,” sabi ko sa aking sarili.
Dahan—dahan akong lumapit sa kanya at nilabas ang aking phone, binuksan ang flashlight, doon ay confirm na may dalawang bata sa ilalim.
Nang makita nila ako ay biglang umatras ang dalawang bata sa akin. Nakita ko na sa kanilang mga mata ang takot.
“H—hey...” kalmado at malumanay na sabi ko sa kanila.
Agad pa akong yumuko upang hindi sila matakot sa akin.
“Donʼt worry... Mabait ako,” mahinang sabi ko muli sa kanila.
Pero hindi sila tumingin sa akin.
“Hindi ko kayo sasaktan...”
Wala pa ring response from them.
Napansin kong namumutla na silang dalawa at tila gutom na gutom sila.
Bigla kong naalalang may candy and biscuit ako na nasa bulsa ng aking bag.
Palagi akong may dalang candy and biscuits para kapag nagugutom ako ay may makakain ako.
Kinuha ko ang mga iyon at inilabas ang mga iyon. “Look...” Iniabot ko ang dalawang candy and biscuits sa kanila. “Para sa inyo.” Nakangiting sabi ko sa kanila.
Nakita kong nagkatinginan silang dalawa bago dahan—dahang kinuha ng batang lalaki ang candy and biscuits.
“Thank... You...” mahina at nauutal na sabi ng batang lalaki.
Napangiti ako sa kanya. “Youʼre welcome.” Habang nakangiti ako sa kanila ay bigla kong napansin ang suot ng dalawang bata.
Parang... Pamilyar.
Napakunot ang aking noo hanggang may maalala ako. “Sandali...” sabi ko at agad na inilabas ang aking phone.
Binuksan ko ang gallery ng aking phone at doon chineck ang picture na kinunan ko kaninang umaga mula sa balita.
Lumipat ang tingin ko sa aking cellphone at pagkatapos ay sa dalawang bata.
Paulit—ulit kong ginawa iyon hanggang unti—unting nanlalaki ang aking mga mata.
“H—hindi maaari...” mahinang bulong ko. Tinignan ko ang dalawang bata na kumakain. “Kayo... Kayo sina Cameron and Laure Parker?” bulalas na tanong ko sa kanila.
Kung ano ang nasa picture ay iyon pa rin ang suot nilang dalawa.
Ang dalawang batang ilang araw nang nawawala.
Napahawak ako sa aking bibig.
“Sila nga! Sure na ako!” sabi ko sa aking sarili.
Napatingin muli ako sa dalawang bata. Nanginginig pa rin silang dalawa dahil sa takot
Hindi na ako nagdalawang—isip na magsalita at kunin silang dalawa.
Wala na akong pake kung late na ako.
Pakiki—usapan ko na lang ang Professor ko.
Good deeds naman itong ginawa ko.
“Come with ate, okay?” malumanay na sabi ko sa kanila.
Nakita ko ang takot sa kanilang mga anak. “Ano... Huwag kayong mag—alala... Mabait ako. Dadalhin ko kayo sa police station... Matagal na kayong hinahanap ng dad ninyo. Alam ninyo po ba iyon?” malumanay pa rin ang aking boses.
Napatingin na sila sa akin at kahit papaano ay nawala ang takot sa mukha nila.
“D—Daddy?”
Narinig ko ang boses ng batang babae.
Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. “Yes, your dad. Hinahanap na kayo ng dad ninyo. Kaya dadalhin ko kayo sa ligtas na lugar,” malumanay pa rin ang aking boses.
Nakita ko ng tumango ang batang lalaki sa akin. Hinawakan na niya ang kamay ng kanyang kapatid bago sila lumapit sa akin.
“Hanap na talaga kami ni dad?”
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa tanong ng batang lalaki.
“Um, yes po, Cameron. Ibinabalita na kayo sa buong Pilipinas or baka sa buong mundo pa. Kaya dadalhin ko kayo sa police station na malapit dito. Tara?” sabi ko sa kanya.
Nakita kong nagtinginan silang dalawa. “O—okay po,” sabi ni Cameron sa akin.
Huminga akong malalim nang humawak sila sa aking kamay. “Letʼs go.” Pareho kong hinawakan ang kanilang kamay.
Napansin kong ang dumi ng kanilang damit ang payat nila.
Saan ba sila galing?
At paano sila nakarating sa place na ito.
Hindi ko na alam kung ano ang masalimot nilang pinagdaanan.
Kawawa naman sila.
Paano naman sila napunta sa ganito? Ganoʼng anak sila ng isang mayaman.