LILAC POV
“PAANO kayo nakarating dito, Cameron and Lauren?”
Hindi na ako nakapagpigil na mag—usisa sa kanila dahil sobrang dumi at ang payat na nila ngayon.
Ilang araw na ba silang nawawala?
Ang narinig ko lang sa balita ay ilang araw na rin sila pinaghahanap, wala exact days kung ilang araw na talaga sila hinahanap.
Napatingin si Cameron sa akin. “Do we smell bad?” tanong niya sa akin at inamoy ang kanyang sarili.
“Ah—hindi naman, Cameron. Gusto ko lang sabihin kung paano kayo nakarating dito? Naglakad ba kayo?” malumanay na tanong ko sa kanya.
“We run!”
Napatingin ako sa left side ko kung nasaan si Lauren. “T—tumakbo kayo? I mean, y—you run?” bulalas na tanong ko.
Teka, mauubusan yata ako ng English.
Tumango siya sa akin. “Yes, we run, run and run until the bad guys ay hindi na nag—follow sa amin... Then, we hide!” sabi ni Lauren habang may aksyon pa.
“Bad guys? N—na kidnap ba kayo? Then, nagtago kayo para hindi kayo makuha?” tanong ko muli sa kanya.
“Yes! May bad guys. We donʼt know what kidnap is? But, our car is stopped nowhere then thereʼs a bad guys! Kinuha nila kami ni Lauren with our nanny tapos... Our nanny help us to be free... And thatʼs it. I donʼt know what happened to our Nanny. Are they alive?” tanong ni Cameron sa akin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
“Um, h—hindi ko rin alam, Cameron. But, we hope they are alive. We need to pray with them na buhay sila, okay?” sabi ko dahil hindi ko talaga alam kung buhay pa ba ang nanny nilang dalawa.
Napahinto ako ng may maalala akong tanong. “Cameron, how about your driver? Where he is?” tanong ko sa kanya.
Nanny lamang niya ang kanyang sinabi.
“Heʼs a bad guy too! Siya ang adala sa amin sa mga bad guys! If our nanny doesnʼt help us... For sure, Cameron and I ay nandoon pa rin sa place na we donʼt know! Kaya we are thankful to our Nanny!” Si Lauren ang sumagot.
Sinasabi ko na nga ba.
“Ilang araw na ba kayong nawawala?” tanong ko muli.
Wala na akong English.
Naubos na.
Paniguradong namang naiintindihan nila ako, ano?
Nakita ko ang pagbibilang nilang dalawa. “Ah, three days!” malakas na sabi ni Cameron at tinaas ang kanyang maliliit na kamay.
Biglang sumakit ang aking puso nang marinig ko iyon. “T—three days? P—Paano iyong food ninyo? Saan kayo kumakain?” I asked them.
Hindi ko maisip kung anong ginagawa nila sa loob ng tatlong araw.
Wala bang nakakilala sa kanila?
“Um, some people gave us a food and drinks! We eat that then we thanks them for that. We walk again and until we are here,” sagot ni Cameron.
Mabuti na lamang ay may mababait pa rin talaga na mga tao.
“Ah, kaya nakarating kayo rito? Eh, anong ginagawa ninyo sa ilalim ng food pushcart?” tanong ko muli sa kanya.
“We saw bad guys! Kaya nagtago kami!” malakas na sabi ni Lauren.
“Nakita ninyo iyong bad guys na kumidnap sa inyo?” bulalas kong sabi sa kanila.
Umiling si Cameron sa akin. “No! We thought na bad guys po sila kasi their faces ay like this!”
Napatingin ako kay Cameron at nakita kong lumukot ang mukha niya. Parang monster ang kanyang face.
“Kaya atakot si Lauren. Iyak siya nang iyak kaya nag—hide kami sa ilalim ng food pushcart,” paliwanag ni Cameron sa akin.
Napatango—tango ako sa kanyang sinabi. “Ganoʼn pala ang nangyari. Kaya pala nandoon kayo sa ilalim. But, donʼt do that again, ha? Kasi hinahanap na kayo ng dad ninyo. Kaya dadalhin ko kayo ngayon sa police station para makita ninyo na ang dad ninyo, ha?” kalmadong sabi ko sa kanilang dalawa.
Nakita ko ang mukha ni Lauren na kuminang ang kanyang mga mata. Binigay ko ang aking panyo sa kanya. “Wipe your face, Lauren. Dahil mamaya lamang ay makikita ninyo na muli ang dad ninyo. Do you want that, Lauren and Cameron?” tanong ko sa kanila.
Nakita ko ang pagtango—tango ni Lauren. “Opo! Iʼm excited to see my dad again! I miss him!” malakas na sabi niya at pinunasan ang kanyang face.
“For sure, miss na rin niya kayo. Kaya dalian natin maglakad,” sabi ko sa kanila.
Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa, sobrang excited na talaga silang makita muli ang dad nila.
“Oo nga pala, Lauren and Cameron.” Napatingin sila sa akin. “Lahat ng sinabi ninyo... I mean, the talk we have earlier, tell that to police, ha? Lahat—lahat.” sabi ko sa kanila.
Tumango siya sa akin. “Okay po. Iʼll tell them po lahat!” sabi ni Cameron kaya bumilis ang lakad namin papunta sa police station.
Pagdating namin sa pinaka—malapit na police station, agad kaming sinalubong ng isang police officer.
“Miss, may maitutulong ba kami sa iyo?” tanong niya nang makita ako at maging ang dalawang batang kasama ko.
Nakatingin si police officer sa kanila.
Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. “Um, Sir...” sabi ko sa kanya. “N—nakita ko po ang dalawang batang ilang araw nang nawawala.”
Nakita ko ang pagtitig niya sa akin hanggang nanlaki na ang kanyang mga mata.
“Anong sabi mo?” bulalas na tanong ni Police Officer dahil sa sinabi ko.
Tumango ako sa kanyang sinabi at saka itinuro ang kambal na nasa magkabilang gilid ko.
“Sina Cameron and Lauren Parker po, Sir.” sabi ko sa kanya.
Lalong nanlaki ang mga mata niya at napapikit ako nang sumigaw siya. “Call the chief! Bilis!”
Pagkasabi niya ay nagkagulo ang buong istasyon.
Sina Cameron and Lauren ay nagtago tuloy sa aking likod. “Shh... Donʼt worry, ganyan lang talaga sila pero hindi sila bad guy,” sabi ko sa kanilang dalawa.
May trauma na sila.
Tinignan nila ako at tumàngo sa akin hanggang umalis na sila sa likod ko.
Hindi rin nagtagal ay may mga pulis na agad lumapit sa amin. “Pumasok kayo sa loob, Miss.”
Tumango ako sa kanyang sinabi habang mahigpit pa rin ang kapit nina Cameron and Lauren sa magkabilang kamay ko.
Nang nasa loob na kami ng police station ay pinaupo ko silang dalawa, magkatabi silang dalawa.
Hindi sila mapaghiwalay.
“Sandali lamang... Tinatawagan na si Mr. Parker.”
Tumango muli ako sa sinabi ng Pulis. Nakita ko ngang nagkakagulo na rin sa paligid namin.
“They are noisy,” sabi ni Lauren sa akin.
“Ganito talaga rito, Lauren. Takpan mo na lang ang ears mo, ha?” Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at tinakpan na ang kanyang tenga.
Hindi rin nagtagal ay may lumapit sa amin na pulis, may dalawang stars sa kanyang uniform.
Siya yata ang mataas sa station na ito.
“Good morning, Miss. Narinig kong nakita mo ang dalawang batang nawawala?” kalmadong sabi niya at ang kanyang tingin ay nasa dalawang bata na.
“Um, yes po. Heto po silang dalawa. Sina Cameron and Lauren Parker,” sabi ko at tinuro ang dalawang batang nakaupo.
May tinignan siya sa kanyang phone at nanlaki ang aking mga mata.
“Sila nga!” Napalingon siya sa likod. “Na—contact ninyo na si Mr. Levi Parker?”
“Na—contact na namin siya, Chief! Papunta na siya ngayon!”
“D—Daddy!”
Nagulat ako nang umiyak si Lauren. Ramdam kong miss na miss na niya ang dad niya.
Nakita kong niyakap ni Cameron ang kakambal niya.
Lumayo ang tingin ko hanggang mapatingin ako sa wall clock. “Ha?!” bulalas na sabi ko nang makita ang oras.
Napatingin sina Cameron and Lauren sa akin, maging si Chief.
“Eight—thirty na? Patay...” sabi ko sa aking sarili. “Late na talaga ako sa exam namin!” dagdag ko pang sabi.
Napatingin ako kay Chief. “S—Sir... M—mauuna na ako sa inyo. A—ano po kasi... May examination pa po ako,” nauutal na sabi ko sa kanya.
Nakatingin lamang siya sa akin. “Miss, may kailangan mo pang maghintay sa pagdating ni Mr. Parker—”
“Sir, papasok na po ako. K—kayo na po ba ang bahala sa kanila,” sabi ko muli.
“Pero, Miss, ang rewards!”
“Aalis na po talaga ako, Sir!”
Hindi ko na siya hinintay na magsalita siya muli.
Tatakbo na sana ako palabas nang marinig kong nagsalita si Cameron.
“Ate, whatʼs your name po?”
Napahinto ako at napalingon sa kanya. “C—Calil!” malakas na sabi ko sa kanya.
Mabilis akong tumakbo palabas ng police station.
Kailangan kong umabot sa examination kung ʼdi ay babagsak ako sa major subject namin.
Yari talaga ako.
Walang OJT next semester.