CHAPTER 5

1583 Words
LILAC POV TUMATAKBO ako nang mabilis at halos may mabangga na ako na kapwa kong estudyante, pero no choice na ako dahil late na talaga ako ng kalahating oras sa kanyang subject. Habang tumatakbo ako ay kinuha ko ang aking phone, doon ay nakita ko ang chats nina Zephanie and Umara sa akin. Binuksan ko iyon habang patuloy sa pagtakbo. Zephanie: Where are you, Lilac? Girl, five minutes na lang before our exam. Na—traffic ba kayo ni Umara? Girl, nandito ka si Umara. Ikaw na lang ang wala. Umara: Lilac, one minute na lang before the bell. Huy, nandito na ang test paper ng Professor natin!! Lilac, hindi ka ba papasok? Donʼt tell me may lagnat ka? Nandito na si Professor. Tatlo kayo na wala pa rito? Lilac? Lilac Zamora?? Napangiwi ako nang makita ang chats nila sa akin. Kaya lalo akong kinabahan. Tatlo kaming wala? O, baka ako na lang. “Haa... Haaa... Haa...” Hinihingal na ako habang tumatakbo papasok sa gate ng Maravilla University. Halos hindi ko na maramdaman ang pagod dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay ang major examination namin today na baka hindi ko na maabutan pa. Yari talaga ako nito. “Please... Sana hindi pa tapos...” panalangin ko habang mabilis na umaakyat sa hagdan ng aming building. May naririnig akong tumatawag sa akin, pero wala na muna akong pake sa kanila. Nakarating na rin ako sa dulong floor ng building. Ramdam kong may tumatagaktak na pawis sa aking noo na pababa sa aking mukha. Kumapa ako sa aking bulsa para kunin ang aking panyo, pero naalala kong binigay ko pala iyon kay Lauren kanina. “Shete, wala akong panyo.” Kaya ang ginamit ko na lang ay ang aking kamay na pamunas. Pagdating ko sa tapat ng classroom ay huminto na ako sandali para habulin ang aking hininga. Sobrang hinihingal talaga ako. Para akong mamamatay dahil sa pagod. Huminga muna akong malalim at dahan—dahan kong binuksan ang pinto. Narinig kong tumunog ang doorknob. Binuksan ko iyo hanggang makita kong sabay—sabay na tumingin ang mga kaklase ko sa akin. Para silang nakakita ng multo, lalo na sina Zephanie and Umara, parang sinesenyasan pa nila ako kung bakit late ako. Naramdaman ko ang tahimik ng buong solid. “Eyes on your test paper!” Nagulat ako nang marinig ang boses ng Professor namin. Kaya lahat ng mga kaklase ko ay muling yumuko at nagsulat sa kanilang test paper. Napatingin ako sa harapan ng classroom namin at doon ay nakita ko ang Professor namin, seryoso ang kanyang tingin na binibigay sa akin. “Ms. Zamora.” Napalunok ako sa klase ng boses ng Professor namin, paniguradong galit talaga siya sa akin. “G—Good morning po, Professor.” Napatingin ako sa aking black shoes. “Do you know what time it is, Ms. Zamora?” tanong niya sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi at saka tumango. “Ah, opo... Alam ko po ang oras ngayon, Prof.” mahinang sabi ko sa kanya. “At alam mo ring major examination natin ngayon?” tanong niya muli sa akin. Tumango muli ako sa kanyang sinabi. “Ah, opo, Profesor. Alam ko rin pong examination natin ngayon.” Nakayuko pa rin ang ulo ko. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata. Kasalanan ko naman kasi talaga. Narinig kong bumuntong—hininga si Professor sa akin. “I donʼt tolerate late students,” madiin na sabi niya sa akin. Lalo akong yumuko sa kanyang sinabi. “Ah, alam ko naman po iyon. Pasensya na po talaga, Prof.” mahinang sabi ko. “Never naman po akong na—late sa class ninyo, ʼdi ba po? Ngayon lamang po.” Tumaas na ang aking tingin sa kanya at doon ay nakita ko ang kanyang mukha na nakatingin pa rin sa akin. I heard him a sighed. “Ano ang dahilan mo kaya ka na—late, Ms. Zamora?” tanong ni Professor sa akin. “Alam kong never kang na—late sa class ko, Ms. Zamora. Kaya tell me bakit ka na—late?” Huminga akong malalim at hindi ako nag—atubili na magsalita agad. “Professor... May nakita po akong dalawang bata. Iyong mga batang nawawala po ng ilang araw. Iyon po ang nakita ko kaya tinulungan ko sila, Professor,” paliwanag na sabi ko. Kumunot ang noo niya sa aking sinabi. “What do you mean?” takang tanong niya sa akin. “Iyong kambal po na nawawala? Iyong binalita na po ng ilang araw na raw po. Sila po iyong kambal na nakita ko po,” sabi ko sa kanya. Napatingin sa akin mga kaklase ko, pero hindi naman nila naririnig ang pinag—uusapan namin ni Professor. Hindi nagsalita si Professor kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Dinala ko po sila sa pinaka—malapit na police station bago ako pumasok,” dagdag na sabi ko. Napatingin ako kay Professor at nakita kong nagulat siya sa aking sinabi. “Are you saying...” Tumango ako sa kanyang sinabi “So, ikaw ang nakakita sa mga batang iyon?” dagdag na tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Um, opo, Professor.” sagot ko dahil nagsasabi naman talaga ako ng totoo. Ilang segundo akong tinitigan ni Professor bago siya bumuntong—hininga. Hindi ko alam pero I feel relaxed. “Helping other people is never wrong,” sabi niya sa akin at bahagyang ngumiti sa akin. “Pero next time, make sure to inform the school if something like that happens again.” Nakahinga na ako nang maluwag nang marinig ko na iyon. “Opo, Sir!” mabilis na sabi ko sa kanya. “Sige na. Maupo ka na at mag—exam. Dalian mo. Ilang oras na lang ang natitira para sa iyo,” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Thank you po, Sir! I will po!” mabilis akong pumunta sa silya ko at naupo roon. Tahimik akong huminga nang malalim bago ako nagsimulang sagutan ang examination paper ko. Kailangan kong maka—cope up lalo naʼt nag—uumpisa pa pang akong sumagot. Makalipas ang halos isang oras ay narinig ko ang boses ng Professor namin. “Timeʼs up.” Napahinto na ako sa pagsasagot, mabuti na lang ay natapos ko rin sagutan ang mga iyon. Isa—isang ipinasa namin ang mga test papers at talagang nakahinga ako nang maluwag. “Buti na lang... Natapos ko na rin.” Habang humihinga akong malalim ay napansin kong may mga tao sa aking gilid. Napatingin ako roon hanggang nakita ko sina Zephanie and Umara na nakatitig talaga sa akin ngayon. “Lilac!” malakas na sabi ni Zephanie sa akin. Napangiti ako sa kanyang sinabi. “H—Hi!” “Anong hi, Lilac?” bulalas na sabi ni Zephanie sa akin. “Girl, anong nangyari sa iyo? First time mong ma—late!” Tumango—tango si Umara habang nakatingin din sa akin. “Akala namin ay may sakit ka,” dagdag pa niyang sabi. Napakamot ako sa aking buhok. “Actually...” Tinignan ko silang dalawa. “May nakita kasi akong dalawang bata.” sabi ko sa kanila. “Ha?” sabay nilang tanong sa akin. “May nakita kang dalawang bata? What do you mean?” tanong ni Umara sa akin. “Iyong kambal na nawawala... Iyong pinakita mo sa amin kahapon.” Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata ni Umara and Zephanie na nakatingin sa akin. “Wait...” Napahinto sa sasabihin si Umara. “Iyong nasa balita? Iyong kambal?” tanong niya muli sa ako. Tumango ako sa kanya. “Oo, sila nga, Umara!” sabi ko sa kanya. “Nakita ko silang dalawa na nakatago sa ilalim ng food pushcart. Kaya dinala ko pa sila sa police station.” “Hala!” gulat na sabi ni Zephanie. “Talaga?” dagdag ni Umara. Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. “Oo, sila. Na—confirm na rin iyon ng mga pulis na nakausap ko kanina,” sabi ko sa kanilang dalawa. “A—anong ginawa mo?” Tinignan ko si Umara. “Natatakot sila kaya kinausap ko muna. Binigyan ko rin sila ng candy and biscuits, tapos dinala ko sila sa police station.” Nakita kong umawang ang kanilang mga bibig. “So...” sabi ni Umara habang nakatingin pa rin sa akin. “Ikaw pala ang nakakita saa kanila?” Tumango ulit ako sa kanyang sinabi. “Oo.” “Kaya pala late ka!” sabi ni Zephanie. “Hindi ka man lang nag—chat sa amin!” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. “Nakalimutan ko kasi... Tapos nagmamadali na rin kasi ako. Nakita ko na lang ang chats ninyo kanina habang tumatakbo na ako... Mabuti nga ay nakita kong almost 8:15 na kaya umalis na ako roon at nagpaalam sa pulis.” Napailing na lang si Umara habang nakangiti sa akin. “Grabe ka talaga, Lilac!” “Siyang tunay. Tahimik ka lang pero ang laki ng nagawa mo.” Nakangiting si Zephanie sa sinabi ko. “Feeling ko, sobrang saya na ngayon ng parents ng kambal.” Napangiti ako sa sinabi ni Lilac habang inaalala ang dalawang bata na tinulungan ko kanina, sina Cameron and Lauren. “Sana nga, Zephanie and Umara.” Iyon talaga ang pinapalangin ko. Sana nakuha na sila ng parents nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD