LEVI POV
NAPATINGIN ako sa buong office floor ko na sobrang tahimik. Nandito ako sa company kong Toy Incorporation.
Ang daming pumapasok sa office room ko habang si Dino naman na ang aking secretary ay abala sa pag—aayos ng aking schedule.
Schedule?
Hindi ko naman kaya magtrabaho, kaya ang iba ay dinecline ko na lalo na kung tungkol sa ibang bansa.
Sa loob ng malawak na opisina ko ay seryoso akong nakatingin sa mga dokumentong nasa harapan ko ngayon.
Iʼm f**king thirty—three years old. CEO ng Parker Toys Incorporation.
Isa sa pinaka—mayamang billionaire sa Pilipinas.
Sa paningin ng iba, isa akong perpektong businessman, pero hindi nila alam ay dahil sa likod ng malamig kong imahe... Isa lamang ang nasa isip ko ngayon, mahanap ang aking mga anak na ilang araw ng nawawala at hindi nakikita ang kambal kong anak.
“F**k!” madiin na sabi ko habang nakatitig sa documents.
Hindi ko tuloy magawang mag—focus sa mga nasa report na nasa harapan ko ngayon.
Napabuntong—hininga ako at tumingin sa picture frame ng aking kambal na anak. “Cameron... Lauren...” mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanilang photos.
Ilang araw na silang nawawala. Halos hindi na akong makatulog kakaisip sa kanila ngayon.
Hindi na rin ako makakain nang maayos.
Lahat ng private investigators, security team at police ay pinakilos ko na rin but I donʼt have any leads kung nasaan silang dalawa.
Wala pa ring balita.
Napapikit na lamang ako habang nananalangin. “Please... Sana buhay pa rin kayong dalawa, Cameron and Lauren... Kahit anong mangyari... Sana buhay pa rin kayo.”
Bigla akong napatigil sa aking iniisip nang may kumatok sa pinto ng office room ko.
“Come in,” baritonong sabi ko.
Paniguradong si Dino lamang ito.
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto ng office room ko at doon ay nakita ko nga si Dino.
“Sir, nandito na po ang mga investors,” sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanyang sinabi. “Five minutes,” sabi ko sa kanya.
“Okay, Sir Levi.” sagot niya sa akin at sinarado na ang pinto.
Pagkasarado niya ay biglang tumahimik muli ang office room ko.
Inusog ko na ang aking swivel chair at tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang aking phone, umilaw rin iyon.
Kinuha ko iyon at chineck, nakita kong unknown number.
Nangunot ang aking noo habang nakatingin pa rin sa screen phone ko. Karaniwan ay hindi ko sinasagot ang mga unknown callers pero may nag—u—udyok sa akin na sagutin iyon dahil pumasok sa isipan ko sina Cameron and Lauren.
Kaya pinindot ko na ang answer button.
“Hello?” I answered it.
Walang sumasagot mula sa kabilang linya hanggang may narinig na akong boses. Maya—maya lamang ay may narinig na akong seryosong boses ng isang lalaki.
“Good morning po. Si Mr. Levi Parker ba ang nasa kabilang linya?”
Napahinto ako nang marinig ang tanong na iyon.
“Whoʼs this?” baritonong tanong ko rin sa kanya.
“Ako si Police Captain Reyes mula sa Pureza Police Station.”
Agad akong napatayo nang marinig ko iyon.
“Yes. This is Levi Parker.Anong kailangan ninyo?” tanong ko sa kanya.
May nararamdaman ako sa aking katawan na nahanap nila ang kambal na anak ko, bit ayokong pangunahan ang kanyang sasabihin.
“Sir...”
Napalunok ako habang hinihintay ang kanyang sasabihin muli.
“Nakita na po ang kambal ninyong anak, Sir Parker ”
Napakurap—kurap ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon.
“What? A—anong sinabi mo?” bulalas na sabi ko sa kanya.
“Nakita na go namin ang kambal ninyong anak... Sina Cameron and Lauren Park,” sabi muli ng police na kausap ko ngayon.
Bigla akong nakaramdam ng panginginig sa aking magkabilang kamay.
“Totoo ba ang sinabi ninyo? Hindi ba ito biro?” tanong ko sa kanya.
“Yes, Sir Parker. Totoo ang sinabi namin. Ligtas na ang kambal ninyong anak. Safe po ang kambal ninyong anak.”
Inilayo ko ang aking phone sa bibig ko. “F**k!” malutong na mura ko.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Iniisip ko lang ang tungkol doon kanina, hindi ko aakalain na makikita na silang dalawa.
Naramdaman kong may tumulong luha sa aking magkabilang pisngi.
“Thank God...” mahinang sabi ko habang mahigpit na ipinikit ang mga mata ko.
“Thank God...” Paulit—ulit kong sabi habang hindi pa rin mapaniwala sa aking nalaman.
“Sir, are you there?”
Narinig ko muli ang kanyang boses kaya kinuha ko muli ang phone ko.
“Yes... Iʼm here. Iʼm sorry. Hindi lang ako makapaniwala na nakita na ang kambal ko.” Huminga akong malalim.
“Alam namin ang nararamdaman ninyo, Sir... Sir, maaari po ba kayong pumunta rito sa Police Station namin. Kanina pa kayo hinihintay at hinahanap ng kambal ninyo anak,” kalmadong sabi niya sa akin.
“Iʼll be there!” malakas na sabi ko sa kanya.
“Sasabihin namin sa kambal ninyong anak ang tungkol dito.”
“Thanks!” Pagkasabi kong iyon ay binaba ko na ang tawag.
Tumayo ako sa aming swivel chair at binuksan ang pinto ng aking opisina.
“Dino!” malakas kong sabi sa pangalan niya.
Mabilis na lumapit sa akin si Dino. “Sir Levi?” sagot niya sa akin.
Tinignan ko siya. “Prepare the car!” malakas kong sabi at hindi ko mapigilang manginig ang aking magkabilang kamay.
“Why, Sir Levi? May investors na naghihintay sa atin—”
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. “Nakita na ang kambal! Kaya kailangan natin pumunta. Sabihan mo ang mga investors na may kailangan tayong importanteng pupuntahan!” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Dino. “What— I mean, Yes, Sir Levi!” mabilis niyang sabi. “Mas importante sina Young Master Cameron and Miss Lauren!”
“Letʼs go!”
Tumango siya sa akin. “Yes, Sir Levi!”
F**k! Nanginginig na ako habang nakasakay na ako sa kotse habang papunta sa police station na iyon.
Halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan ngayon habang nasa byahe pa rin kami.
Paulit—ulit kong tinitignan ang oras sa suot kong wristwatch, hindi lang iyon dahil nagdarasal din ako na sana maayos silang dalawa.
“Malapit na ba tayo sa Pureza Police Station, Dino?” tanong ko sa kanya habang hindi pa rin ako mapakali.
Nakita ko ang pagtingin niya sa map na nasa car ko. “Fifteen minutes away, Sir Levi. Ayon sa map,” sagot niya sa akin.
“Fifteen minutes away, huh?”
Napatingin na ako sa bintana hanggang hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang Pureza Police Station.
Pagkaparada pa lamang ni Dino ng sasakyan sa harap ay mabilis akong lumabas at pa takbo akong pumasok sa loob.
“Whereʼs my son and daughter?” malakas kong sabi habang palingon—lingon sa paligid.
“Mr. Parker?”
Napahinto ako sa pagtingin at doon ay nakita ko ang isang pulis. Lumapit siya sa akin at nakipag—kamay.
“Whereʼs my son and daughter?” tanong ko muli sa kanya.
Tinignan niya ako. “This way, Mr. Parker.” sabi niya at sinundan ko siya kung saan man niya ako dadalhin.
Huminto kami sa isang opisina, sumilip ako roon at nakita ko ang dalawang bata na kay tagal ko ng hinahanap.
Nakita kong tahimik na nakaupo sina Cameron at Lauren habang kumakain ng biscuits.
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki nang makita ko na silang dalawa.
Nakita kong napalingon si Cameron sa akin at nakita ko ang malaking ngiti niya. Kinalabit niya si Lauren kaya maging siya ay nakita na niya ako.
Sabay silang tumayo kaya hindi ko na napigilang buksan ang pinto ng opisina na ito.
“Daddy!” sabay nilang banggit sa akin at agad silang tumakbo palapit sa akin.
“F**k. Sobrang namiss ko ang kanilang boses at yakap nila.”