[YUKI] "Welcome, what's your name and your ability?" Tanong ko sa isang batang babae na nasa sampung taong gulang na siguro. Medyo chubby, may mahabang buhok ito na medyo wavy, brown eyes, maputi at nasa 4'3 ang taas, nakasuot ito ng white dress na siguro hanggang tuhod niya. Tiningnan lang ako ng bata saka nag-crossarms at tinaasan ako ng kilay. Aba't maldita ang isang 'to ah?! "Sino ka ba? Makapag-tanong ka daig mo pa ang nanay ko ah?" Sabi nito at nag-roll eyes. Aba't ! Isa pang pagmamaldita, tutustahin ko ang batang ito, sige pigilan niyo ako. Pigilan niyo ako! Tiningnan ko lang si Audrey na siyang nagdala sa batang ito rito sa Academy. Ngumisi lang ito saka nagkibit-balikat at mabilis pa sa kidlat na lumabas ng opisina ko. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hining

