STELLA Ang akala koy tapos nang laban ay nagsisimula pa lang pala, sa pagkawasak ng Alzorian at Dark Core ay nasira ang buong balanse ng Alzora, nagbukas ang mga lagusan papuntang Greiko, nagkaroon ng kalayaan ang mga halimaw na maglabas-masok sa Alzora at Greiko World, marami ring mga Alzorians ang nasawi, kaya minabuti naming lumikas at lumipat sa Greiko World dahil hindi pa namin maaayos ang Alzora. Tuluyan nang nawala ang Wiccan Tribe, ngunit may mga masasamang loob parin ang nabubuhay sa buong Alzora maging sa Greiko. Sa pagsabog ng dalawang Cores, ay hindi ito nawala, nagkapira-piraso lamang ang mga ito at napunta sa hindi namin inaasahang lugar.. Sa Greiko o mas kilala bilang Mortal World. At ang mga nilalang na nakakuha o nagtataglay ng kahit isang piraso lamang ng core ay magka