THIRD PERSON'S POV Mabilis na ikinumpas ni Mav ang kaniyang mga kamay at kinontrol ang galaw ng mga snowflakes, pinatama niya ito sa mga kalabang pasugod. Habang sa kabilang dako naman ay si Paolo na abala sa pagtira sa mga kalaban ng Airballs, nagtataka na ito kung bakit hindi maubos-ubos ang mga kalaban. Itinutok nito ang kaniyang hintuturo sa ere at inipon doon ang elemento ng hangin "Mamatay na kayo!!" Sigaw nito at lumabas mula sa hintuturo niya ang mga maliliit na ibong gawa sa hangin na singbilis ng bala at singtulis ng espada. "Erda spikr!" Patuloy sa pagtira ng earth spikes si Audrey sa mga kalaban, nakasandal siya ngayon sa likod ni Sai na kasalukuyan ring tinitira ng lightning volts ang mga kalaban. Itinaas ni Audrey ang kaniyang wand at umilaw ng golden brown ang tuktok nit