STELLA Nagmadali kaming tumungo sa Anszien Mountain. Matatagpuan ito sa hilagang parte ng Alzora. Pinalabas nilang muli ang kanilang mga Dragon habang kami ni Andromeda ay lumipad lang habang akap-akap ko si Kiyu. "Naway malagpasan mo ang suliraning ito Stella" sabi ni Andromeda habang palinga-linga sa paligid. "Sana nga. Sana. At sanay tulungan niyo akong magampanan ang aking tungkulin" "Maaasahan mo ang tulong ko mahal na Prinsesa" sagot nito. Nauuna kami ni Andromeda dahil siya ang may alam ng lokasyon ng Anszien Mountain. "Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Mav. "Malapit na tayo ginoo, kapag nalampasan natin ang mga ulap na iyan ay bubungad sa atin ang Anszien Mountain" sagot ni Andromeda sabay turo ng mga ulap .. ulap na sobrang MAKULIMLIM ! kumikidlat pa sa parteng yun! "Papatayi