Mabilis lumipas ang mga araw, at malapit narin naming makita ang lahat ng mga elemental gems. Walang kahirap-hirap haha! Nang makuha namin ang nature gem ay itinuro nito ang mga dragon kung kaya't mas napadali ang aming trabaho. Ang air dragon ay nasa pangangalaga ni Pao, ang Ice dragon kay Mav, ang Earth Dragon kay Audrey, Lightning Dragon kay Sai, Water kay Lyka at Siyempre Nature kay Zy, at ang mga Elemental Gems ay siyempre nasa pangangalaga ko! Kung nagtatanong kayo kung saan ang fire Gem and Dragon, pwes pupuntahan pa namin! Kasalukuyan kaming tumatawid ngayon sa isang lupang tulay at sa ilalim nito ang nagbabagang magma. Nasa gitna na kami ng tulay nang makarinig kami ng pag-c***k kaya't napatigil kaming lahat. "Walaang gagalaw! Even the slightest movement can cause this bridge