STELLA Mabilis na lumipas ang isang araw at ngayon na ang araw ng aming paglalakbay, dala-dala ko ngayon ang isang bag nay may lamang mga damit na kailangan ko lang at siyempre si Kiyu. nakasuot ako ng loose shirt na kulay gray at pantalon na itim habang isang itim na sapatos naman ang ipinares ko, nagsuot rin ako ng sumbrerong puti bilang panangga sa init ng araw. Napagpasiyahan naming magkita-kita sa bukana ng tulay na nagkokonekta sa Paradus Academy at Bayan ng Alzora. Magkasama kami nila Lyka at Zy papunta doon. Nadatnan namin sila Mav, Aud, Pao, Sai at Flint kasama sila Lola, bubwit, Ma'am Helen , Ma'am Rita at Sir Manuel at Andromeda. "Oh andito na pala kayong lahat, sige na kailangan niyo ng magsimula dahil malayo-layo pa ang inyong lalakbayin" sabi ni Andromeda. Tumango nalang