STELLA Nagising ako dahil sa kakulitan ni Kiyu, dinidilaan niya kasi ang pisngi ko. Namiss ko rin 'tong alaga kong to eh, gusto ko sanang isama siya pero dahil sa naganap nung Ranking Battle ay sinabihan ako ni Lola na kung pwedeng huwag na munang isama si Kiyu sa Training Hall dahil baka magwala na naman ito. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at hinanap sina Zy at Lyka ngunit wala na ang mga ito. Tss, iniwan na naman nila ako. Kumain nalang ako at nagsipilyo. Binigyan ko rin ng gatas si Kiyu bago ako umalis ng Quarter. And as usual, dahil late na ako, ginamit ko na ang pakpak ko upang makaabot sa takdang oras ng training. Mahirap na no! Baka pagalitan na naman ako ng bubwit nayun! --- Pagkarating ko ay saktong kakarating lang din nila H.M "Okay since maaga pa, we've decided to give