Chapter 53 CALIX'S POV Pinag-mamasdan lamang ni Calix si Lara na umalis at hawak nito ang flashlight. Unti-unti nang nilamon ng kadiliman ang pigura ni Lara hanggang mawala na ito sa aking paningin. Gusto man sundan ni Calix ito, ngunit hinayaan niya na lang na gawin ang gusto nito. Kilala ni Calix ang ugali nito na matigas ang ulo paminsan at ginagawa nito lahat ng gusto nitong gawin–at walang makakapigil pa doon. Naka-sandal si Calix sa pader at pinag-mamasdan ang napaka-dilim na kalangitan at mga bituin na rin. Hinihithit nito ang sigarilyo, at hini-hintay na lang ang pag-balik ito. Nakaka-siguro si Calix, na makakalipas ng ilang minuto–babalik din ito muli dahil matatakot ito sa dilim. Hindi ito tatagal sa kagubatan na siya lamang mag-isa. Lumipas ang limang minuto. Sampung m