Chapter 52 LARA'S POV Yakap-yakap pa rin ni Lara ang sarili na naka-upo sa upuan sa dining. Giniginaw nang sobra dahil basang-basa ang damit at katawan dulot ng pag-tangka kong mag-pakamatay kanina sa dagat. Para na akong basang sisiw ngunit nag mamatigas pa din akong mag-palit nang kasuotan. Dinaraanan lamang ako ni Calix na gumawa na ito ng tanghalian na nag-kokonekta lamang sa dining at kusina. Napapanuod ni Lara ang pag-luto nito nang masasarap na putahe, na kahit naamoy ko ang mabangong aroma no'n–nilalabanan kong hindi matakam dahil galit pa rin ako. Galit ako sakaniya. Galit ako dahil dinala niya ako dito. Suot ni Calix ang itim na trouser at pares ng white long sleeve– at ilang butones ang naka-bukas kaya't nang-aakit ang maganda at makisig nitong pangangatawan. Napaka-gu