CHAPTER 97 CALIX'S POV Malalim na ang gabi at tulog na ang lahat. Naka-tayo sa labas ang lalaki na naka-suot na itim na kasuotan, sa kaliwang kamay hawak ang sigarilyo na umuusok. Ilang sandali lumapit ang katiwalang tauhan nang lalaki at may binalita sa Amo. "Pasensiya na si Sir Calix, hinalughog namin ang bawat paligid pero hindi namin nahabol si Laura, mabilis siyang naka-alis." Umawang na lamang ang labi ni Calix sa narinig–mariin na hinithit ang sigarilyo. "Diba sinabi ko sainyo na huwag kayong babalik, hangga't hindi niyo naidadala sa akin si Laura?" Sabay buga ng sigarilyo, at naroon ang galit sa tinig nito. Kahit ang katiwala nitong tauhan, hindi magawang umimik dahil sa sandaling napa-mali siya nang sasabihin maari siyang patayin. "Napaka-rami niyo ngunit isang babae lamang