Chapter 98 LARA'S POV Tanging impit na lang na iyak ni Hayden ang maririnig mo sa silid. Samantala naman si Laura walang bakas na emosyon ang mata niyo, nanaig lamang ang galit at pag hihiganti. Hindi lubusang akalain ni Lara na magagawa ito ni Laura na pati sarili nitong anak sasaktan niya. "Laura, huwag mo sasaktan ang bata." Naiyak na rin si Cecelia nag mamakaawa kay Laura na huwag damayin ang bata sa galit. "Diyan lang kayo, huwag kayong lalapit kundi papatayin ko Hayden." Banta ni Laura na para bang nababaliw na. "Kumalma ka lang Ate, please pakawalanan mo na si Hayden at mag usap tayong dalawa." Mahinahon na saad ni Lara at pilit na kinu-kumbinsi ang kakambal. Hindi niya mawari kong ano ang tumatakbo sa isipan nito na makakagawa ito ng karumaldumal na aksyon kapag nag padalos-