Hindi makapaniwala si Vince habang tinitingnan ang itaas na bahagi ng katawan sa loob ng CR ng kanyang opisina. Tadtad siya ng bite marks ni Allyson dahil sa araw-araw siya nitong pinanggigigilan. At hindi niya sigurado kung pati 'yong 'kaibigan' niya down there ay merong bakas ng kagat nito. Damn! Kasalanan din naman niya kung bakit ganun ngayon ang asawa. Pero masaya siya kahit ganun, kahit na araw-araw siya nitong kagatin kung kapalit naman nito ay hot and wild lovemaking sino pang makakatanggi. Di'ba? Muli niyang isinuot ang kanyang suit bago lumabas ng restroom. Kailangan na niyang simulan ang trabaho para maaga siyang matapos dahil namimiss na niya agad ang asawa at dalawang anak. Napailing na lang siya dahil para siyang baliw kung makangiti at nag-iisa lang siya sa opisina. Bak

