Malawak ang ngiti ni Vince at may kakaibang kislap ng kung anong emosyon ang mata habang nakaharap sa kanyang laptop. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina niya sa loob ng kanyang bahay habang kasama niya ang asawa na nagpapahinga sa sofa, hindi kalayuan sa kanyang pwesto. He's busy watching something on his laptop that can make him hard— hard to decide kung ano ang dapat niyang gawin. Haha... Ilang buwan na ang matuling lumipas at kabuwanan na ni Allyson. Kaya kahit may trabaho siya ay dito na niya 'yon ginagawa sa bahay para mabantayan ito at masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina. Tanging mga personal na ime-meet lang na mga kliyente at mga meetings lang ang kanyang dinadaluhan sa tuwing umaalis siya ng bahay. Pero agad din naman siyang bumabalik pagkakatapos no'n. Sa mga nakali

