"Are you sleepy?" nakangiting tanong ni Vince kay Allyson. Bahagya niya itong sinulyapan habang nagmamaneho ng sasakyan pabalik sa bahay. Galing sila sa bahay ng magulang nito dahil nagkaron ng salu-salo bilang pasasalamat sa pagbabalik ni Allyson. Naroon rin ang kaibigan niyang si Keane kasama ang asawa nitong si Alyana at ang kambal nitong anak, sina Keane Matt at Matthew Kenn. Ilang araw na ang matuling lumipas mula ng makalabas ito sa hospital at alam na rin ng magulang nito na buhay ang kanyang asawa. Katulad ng inaasahan niya ay mahaba-habang iyakan at pasasalamat ang nangyari pero kahit ganun ay masaya siya sa nangyari. "Medyo.. Pero kaya ko pa naman hanggang makarating tayo sa bahay." He nodded. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang naganap noong unang araw itong nagkamalay.

