Malawak ang ngiti ni Vince matapos niyang maihatid ang anak na si Vincent sa kaibigan na si Keane. Pabor naman sa kanya na hiniram ito ng kaibigan dahil sa maso-solo na niyang muli ang asawa. Halos isang linggo na ang lumipas ng huli niyang maangkin si Allyson dahil sa kwarto nila natutulog ang anak. Minsan sumisimple siya pero hindi naman siya pagbigyan ng asawa. At naging busy din siya sa company kaya hindi niya maangkin ang asawa sa araw. Ugh! Kaya sobra siyang nai-stress these past few days. And about naman sa kanyang kaibigan na si Keane, masaya siya para dito. Nagkagulatan pa sila kanina dahil sa kambal na kasama nito. Halos kamukha iyon ng binata at kung hindi pa niya nakita si Alyana ay iisipin nyang nagka-anak ito sa iba. Pinagpapala pa rin silang dalawa at kanina lang din niya

