Katulad ng nakaraang araw ay pagod ang katawan nang magising si Allyson. Medyo nanghihina ang kanyang pakiramdam dahil sa sinapit niya sa binata. Agad siyang napatingin sa alarm clock at namilog ang mata niya nang makitang alas-otso na ng gabi. Ngayon lang siya nagising dahil sa hindi siya tinigilan ni Vince at walang sawa siya nitong inangkin na parang sabik na sabik ito sa kanya. Pero nandoon pa rin ang pag-iingat at dama niya ang pagmamahal sa paraan ng bawat pag-angkin nito. Pero minsan ay nawawala ito sa control pero hindi naman siya nasaktan sa pagiging wild ng binata. Bagkus ay gusto niya ang pakiramdam na dulot ng kakaibang sensasyon na ibinibigay ni Vince. Marahan siyang umalis sa kama dahil sa medyo masakit ang nasa pagitan ng kanyang hita. Halos maghapon ba naman siyang angki

