KRISTINE HINDi niya kasama ngayon ang bayaw na si Simon. Ang usapan nila ay tatawagan lamang niya ito kapag kailangan. Kasalukuyan siyang narito sa harapan ng building. Naghihintay siya ng oras at makalipas ang ilang minuto ay humakbang na siyang palapit sa gilid. Luminga muna siya sa paligid bago mabilis na umakyat sa building. Isa sa mga natutunan niya ang umakyat sa mataas na building ng walang kahirap hirap. Kung paano magbukas ng door lock o mga bintana. Pinasok niya sa bulsa ang night vision telescope dahil hindi na niya iyon kailangan. Madilim ang buong kabahayaan gamit ang night vision eyeglass ay maingat na pumasok sa isang silid. At hindi mapigilan umiyak ng makita ang anak. Malaki na ito at kamukhang kamukha ng ama. Gustong gusto na niyang yakapin ang anak ngunit hindi niya