RC ll. ILANG araw na niyang napapansin na may kakaiba sa kanyang mga anak. Laging nakangiti, masaya at parang laging may hinihintay. Gusto niyang tanungin si Manang Lisa, ngunit lagi naman itong busy. Ganun pa man bilang isang ama ay maligaya siya na kahit alam niyang may kulang sa kanila. Pero ang mahalaga lang naman ay maayos ang buhay nila sa araw-araw. Hindi nagkakasakit ang mga anak at wala silang problema. “Weekend ngayon daddy, hindi ka ba aalis?” hindi siya sumagot sa tanong na yon ng anak na panganay. Unang beses niyang narinig na magtanong ito sa kanyang mga lakad. Sabagay malaki na ang anak at sa edad nitong twelve-year-old ay marami na itong alam. Kagaya na lang sa mga pananamit niya lately matanong na ito sa kanya. “Lagi ka na lang nakasuot ng ganyan daddy ko.” “Bakit ma