KRISTINE NAKATANGGAP siya ng message mula kay Brianna. Kaya nagkukumahog siyang gumayak upang magtungo sa bahay ng mga ito. Mabuti at umalis pala si RC ll. Dumaan muna siya sa supermarket at namili ng mga pagkain. Gusto niyang ipagluto ang mga anak at kakain silang magkakasalo. Excited siya kaya naman ay lagay lang nang lagay sa kanyang cart. Halos mapuno na pala iyon ng dalhin niya sa counter upang bayaran. Matapos mailagay sa likuran ng taxi ay agad na inutusan ang driver na dahin siya sa address na binigay dito. Pagdating sa baba ng building ay binigyan pa niya ng tip ang taxi driver. Subalit ng papasok na siya sa elevator ay nakatanggap siya ng text message mula kay Brianna. Nadismaya siya ng malaman na bumalik daw ang ama ng mga ito. Kaya hindi niya alam kung anong gagawin sa mga