NICA POV. HINDI ko inaasahan ang pagdating ng mga kapatid ko. Pero agad ko silang sinalubong upang kumustahin si Raven. “Nagpaiwan silang apat doon at hindi ko alam ang kanyang dahilan.” “Bakit hindi ba kayo nag-usap doon?” “Hindi, pagkatapos ko silang ihatid doon ay nagpaalam na rin kami agad. Urgent ang tawag ni Uncle Brent kaya hindi na kami nag-usap ni Raven. Maiba ako Princess, may alam ka ba kung ano ang pakay ni Raven at nang grupo niya doon?” “Bakit hindi ba niya sinabi sayo?” “Hindi, dahil hindi rin naman ako interesadong malaman.” “Bakit mo tinatanong sa akin ngayon?” “Wala lang na-curious lang ako kung bakit sinadya nilang makaharap si Mr. Lorenzo Terran.” “Bakit ganun ang tawag mo sa King ng Mafia?” nakita kong kumunot ang noo ni Kuya Levi. “How did you know about him