RAVEN POV. ILANG araw na ang nakalipas magmula ng isugod sa ospital si Nica Angelic. At hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Ayon pa sa mga doctor ay mahinang mahina ang puso nito. Ang mga kapatid niya at mga magulang ay hindi ko magawang kausapin. Sobrang abala ang mga ito sa paghahanap ng heart donor. Kahit ang aking mga kaibigan ay ganun din. Kung saan saang bansa nagpupunta upang gumawa ng paraan. Si Kuya Rowen ay ilang beses ng tumawag sa akin dahil sobra ang kanyang pag-alala. “Anak, hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari. Hindi ang kamatayan mo ang solusyon upang mabuhay si Nica Angelic.” “P-Paano mo nalaman ang tungkol doon, Mom?” “Sinabi sa akin ng isang nurse na nakarinig sa pag-uusap ninyo ni Doktor.” Hindi agad ako nakasagot dahil nasukol ako ng aking ina. “An

