RC ll. GALIT siya pero bakit walang kakayahang palayasin sa penthouse niya si Dra. Isabella? At ang hindi mawala sa isipan bakit nagagawang ipahamak ni Dr. Alliman ang dalaga. Samantalang magkakaanak na ang mga ito? Ang isa pa ay tungkol sa mga sinabi ni Ms. Lou. Dahil sa pagkakaalam niya ay magkaibigan ang dalawang babae. Pero bakit lumalabas na against ito kay Dra. Isabella? Hindi man direktang sabihin sa kanya ngunit dama niya sa pananalita nito. Dahil kung kaibigan ito ni Dra. Isabella. Dapat hindi ganun ang mga binibitawan nitong mga salita. Pero sa tuwing magkaharap sila ay puro kasamaan ang ng dalaga ang kanyang naririnig mula sa bibig nito. “Pag-isipan mong mabuti, RC ll. Kung wala siyang plano na ipaako sayo ang anak nila ni Dr. Draco. Bakit dito siya sa penthouse mo nagsusumik