ISABELLA HINDI pumayag ang parents ni RC ll, na manatili sila ng penthouse. Kaya heto at balik mansion pero hindi niya pinapansin ang lalaking 'to na panay ang mga papansin. Nakahiga na siya dito mismo sa silid ni RC ll. At ayaw niyang naroon ang binata, hindi dahil galit siya dito. Ayaw lang talaga niyang makasama ito sa isang silid. Lalo na ang mukha nito ay ayaw na ayaw niyang nakikita. Baka tama si Mommy Nica, ito yata ang kanyang pinaglilihian. "Baby, please papasukin mo ako?" Nag takip siya ng unan sa ulo ng hindi marinig ang boses nito. "Sige na please, gusto ko lang naman na makasama ka. Pangako hindi ako mag pasaway. Kaya buksan mo na ang pinto, please… please?" Hanggang unti-unting pumikit ang kanyang mga mata ay naririnig pa rin niya ang boses ni RC ll. At hindi niya alam