RC ll. TATLONG buwan na ang lumipas mula ng huling check up ni Brianna. At sa mga panahong yon ay busy siya dahil sa kasong isinampa ng parents ni Claire. At magmula din ang araw na yon ay hindi na niya nakita pa si Dra. Isabella. Ngayon ay naririto sila ng kaibigan sa isang bar. Kinulit siya nitong lumabas dahil na miss na raw siya nitong ka-bonding. Ang huling nagtungo sila sa lugar na iyon ay noong gabing naka one-night niya si Claire. At halos pitong taon na ang nakalipas. Ngayon ay marami na ang nagbago, hindi na rin nila kilala ang mag waiter at mga staff. “Brother, anong plano mo ngayon na panalo ka sa kaso. Aalis na ba kayo ng anak mo at babalik ng Las Vegas?” “Not sure, ayaw pumayag ni Mommy. Ang gusto niya ay iwanan ko si Brianna at ako lang daw ang maaaring umalis. Syempre h