ISABELLA “GIRL, kagabi nakita ko sa loob ng bar si Walter. Meron siyang kasamang babae lalapitan ko sana dahil akala ko ikaw.” Ang hindi maalis at paulit-ulit sa kanyang isipan. Pero ayaw naman basta paniwalaan hanggang hindi nakikita ng sariling mga mata. “Bella, may problema ka ba, Hija?” “Oh, I’m sorry, ano po yon sinasabi mo, mommy?” “Ang sabi ko tumawag sa aking ang mama ni Walter. Tumatawag daw siya sa nobyo mo ngunit hindi makontak. Ang akala yata magkasama kayo anak.” “Ano po ang sinabi mo kay Tita Rio?” “Wala akong sinabi, pero sa tingin ko meron ginagawa sa likod mo ang lalaking yon.” “Mommy, kung ano-anong iniisip mo kay Walter. Baka busy lang yon tao at ayaw magpa istorbo kaya sinara ang cellphone. Para namang hindi mo kilala si Tita Rio. Siguro kinukulit na naman siya g