RC ll. MAGANDA ang resulta sa ginawang pagsusuri kay Brianna. At nagbigay ng assurance si Dra. Isabella, fully recover na at wala ng dapat pang alalahanin. Ngunit kailangan pa rin mag-ingat dahil ang sakit nito posibilidad na bumalik lalo at meron history ng cancer ang ina nito. Kaya mananatiling naka-monitor pa rin dapat sa bata. “Ihahatid na kita Dra. Isabella,” presinta niya nang makita masarap na ang tulog ng anak. “Bakit hindi mo muna anyayahan dito na mag-diner si Dra. Lewis, anak RC ll?” “May pupuntahan pa raw siya, kaya hindi siya dapat magtagal dito.” agad na paliwanag niya sa kanyang ina. Tulad ng anak ay ayaw rin niya na mabigo ito kapag tinaggihan sila ng dalaga. “Ganun ba, sige mag-ingat kayo sa daan. Anak siguraduhin mong nasa loob na ng bahay si Dra. Lewis. Bago mo siya