RC ll NAKATITIG lamang siya sa dalagang doktora habang nag uusap ang mga ito. Hindi niya mabasa ang kung ano ang laman ng isipan nito. Bakit kung makipag-usap sa kanyang anak ay parang matagal na silang close. Isa pang gumugulo sa isipan ay ang mukha nito napakabata kumpara sa edad nito. "Kanina mo pa ako tinititigan Mr. Montalvan, may gusto ka bang sabihin?" Wika nito ng tumayo at may inabot sa gilid ng table. "Masama ka bang tingnan kung wala akong sasabihin? 'Di ba pwedeng nagagandahan lamang ako sayo kaya hindi maalis ang mata ko sa labi mo?" Wika niya ng akmang babalik na ito sa tabi ng kanyang anak. "Nagagandahan pero sa labi ka nakatingin, flirt huh!" Mahina lang ang pagkakasabi nito ngunit malinaw nakaabot sa kanyang pandinig. At muntik na siyang mapahalakhak mabuti at napi