RAVEN & ANGELIC. "SAAN ka pupunta, baby?" "Si RC ll, naririto siya sa bansa, tumawag sa akin ang binayaran kong detective. Two weeks na siyang nakabalik ngunit hindi man lang siya sumilip dito sa mansion." "Sasama ako, baby." "Bilisan mo at baka makaalis na naman ang lalaking yon!" Halos magkandarapa sa pagsusuot ng pants dahil sa pagmamadali. Bigla na lamang gumayak ang asawa at mabilis na umalis. Kaya agad na tinawagan ang kaibigan si Isaac upang ipa-check kung saan ang punta ng sasakyan ni Angelic. Hindi talaga ito naghintay at tuloy tuloy na pinasibad ang sasakyan nito. "Anong Address ng asawa ko, Pareng Isaac?" "Patungo siya sa bahay ni Luther?" "What?" "Yeah, doon ang punta niya sigurado ako." "Salamat, Pareng Isaac, bye!" Agad na sininyasan nag mga bodyguard ng makababa s