NICA POV. GABI, naririto ako sa veranda. Kanina pa nakahiga at tulog na si Raven. Ngunit ako ay hindi makatulog. Bakit ngayon pa nangyari ito sa akin. Kung kailan ikakasal na kaming dalawa. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bakit parang may iba akong gustong gawin. Alam kong mahal ko siya pero lately may kakaiba sa akin. At tama ito sa palagay ko ay may pagbabago nga sa sarili ko. “Baby, bakit naririto ka?” “Oh, akala ko ay natutulog ka na hindi ka rin ba makatulog?” “Nagising lang ako, baby. At nagulat ako na wala ka sa aking tabi. Kaya heto at bumangon ako upang hanapin ka.” “Halika, maupo ka dito sa tabi ko.” agad naman itong tumalima. Kaya medyo umisod ako upang lumaki ang space sa bakanteng upuan. Yumakap rin ako sa katawan niya at hinalikan ito sa pisngi. Anuman ang mangya