CARL POV. MAGMULA ng palitan ang puso ni Angelic ay may kakaiba akong napapansin. Kagaya na lamang ngayon parang malalim lagi ang iniisip nito. “Baby, may problema ka ba?” “Wala, may iniisip lamang ako.” may kalamigan niyang sagot sa akin. “Ano ba yon at baka may maitutulong ako?” “Gusto kong puntahan ang pamilya ng taong nagbigay sa akin ng panibagong buhay.” “Gano’n din naman ako nais kong personal na magpasalamat sa kanila. Dahil sa kabutihan loob nila kaya magkasama pa rin tayo ngayon.” “Ang problema ay hindi raw alam ni Daddy. Confidential raw at walang kahit sino ang maaaring makaalam kung sino talaga ang donor.” “Hayaan mo at akong bahala. Gagawan ko ng paraan upang malaman natin kung sino ang pamilyang yon. Bigyan mo ako ng isang linggo.” “Salamat, Raven. Hindi kasi ako ma