NICA POV. HALOS isang buwan na ang lumipas magmula ng dumating ako sa lugar na ito. Dahil iyon sa mama ni Carl na siyang nagdala sa akin dito. Napakarami pa lang bad memories ang isla na ‘to kaya pala halos napabayaan na ng mga Montalvan. Pero maganda ang lugar na ito kumpara sa isla na regalo sa akin ni Raven. At mas gusto ko dito kaya kapag pumayag ang binata ay gusto kong dito na muna ako mag-stay. Katatapos pa lamang niyang maligo at handa na sa pagpipinta ng tawagin siya ng ilan sa mga bodyguard. “Ma’am Nica, may mga taong parating.” Sa aking narinig ay agad kong kinabahan. At napa tingala agad ako sa kalangitan ng maulinigan ang chopper na papalanding. Hindi ko mapigilan umasam na sana ay si Carl na ang nakasakay sa chopper. May pagmamadaling nagpalit ako ng damit. At bago bumaba