NICA POV. SOBRANG sakit at parang sasabog ang aking dibdib. Ang buong akala ko ay makaka-survive siya ngunit hinintay lang niya akong makaalis at binawin din siya ng buhay. Ngayon ay ilang araw na akong naririto sa ospital dahil bigla na lang akong nawawalan ng malay kapag nahihirapan akong huminga. “Please, sweetheart kayanin mo naman at tanggapin na wala na siya.” “Dahil sa inyo kaya namatay siya, kayo ang may kasalanan! Ayaw ko kayong makita, kaya umalis na kayo dahil hindi ko kayo mapapatawad… I-I hate you, all of you!” at napasubsob ako sa aking dalawang palad. Kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na mangyayari ito sa akin. Na mamamatay ang kaisa-isang lalaking minahal ko. At kinamumuhian ko ang tatlong tao na simula pa ng bata ako ay naging idolo ko. “P-Princess, please huwag k