NICA POV. NAKATULALA lang ako habang nakatitig sa halos wala ng buhay na katawan ni Raven. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Dahil ng mga oras na yon ay nagsisimula ang paninikip ng aking dibdib. At kapag hinayaan kong talunin ako ng matinding emosyon ko ay baka bumalik ang aking sakit. Subalit paano ko ba pakalmahin ang aking sarili. Ang lalaking kaisa-isang minahal ko ay naririto at puno ng aparato ang buong katawan. Tama ang pinsan ko baka nga huling pagkikita na namin ito. Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang palad ni Raven. At ang nagbibigay pag-asa lang sa akin ay dama ko pa rin ang init doon. Kaya alam ko na buhay pa rin siya ngunit hanggang kailan? Buwan na ang lumipas magmula ng mangyari sa kanila ito. At ilang percent na lang ang natitirang chance upang mabuha