RAVEN POV. HALOS gibain ko na ang pintuan ni Pareng Lash, sa lakas ng katok na aking ginagawa. Ang sabi ng kanyang bodyguard ay ilang oras pa lamang ang nakalipas magmula ng dumating ito ng penthouse. Ngunit mahalaga ang aking sadya kaya kailangan ko siyang gisingin. “Putangina! Hindi ba at sabi ko ay huwag ninyo akong gigisingin…. Ngunit nabitin ang kanyang pagmumura ng makita ako. “Gago! Magbihis ka nga at nakakasuka iyang itsura mo!” “Ano ba ang pakialam mo at bakit nambubulahaw ka ng ganito kaaga?” hindi ako sumagot pero tinungo ko ang kanyang private room. Kumuha ako ng boxer short, jeans at t shirt. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at binato ang kanyang mga damit. “Magbihis ka at may mahalaga tayong pupuntahan.” “Ayaw ko kayo na lang dahil masakit ang ulo ko sa hangover.” “H