NICA POV. NARIRITO kami sa mansion Montemayor, sa bahay ng aking mga magulang. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon ng bata at maayos naman nilang tinanggap. Ngunit ang triplets ay hindi man lang nagbigay ng kahit konting opinion. Bagkus ay tinalikuran nila kami ni Chaus. Hinayaan ko na lang kung ano ang kanilang isipin. Ang mahalaga lang ay ang kaligtasan ng bata. “Nag-usap na ba kayo ng mga kapatid mo, Princess?” hindi ko namalayan na naroon pala ito sa aking tabi. “Tungkol po saan, Daddy?” “Sa nalalapit mong kasal may alam na ba silang tatlo?” umiling lamang ako at nagpaalam na sa mga magulang. Baka kung ano pang itanong nila sa akin at ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa pagbabago ko. Dahil ako mismo ay hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa kanilang lahat. Akay ko